Tuesday, November 30, 2010
Tsokolate ang BUHAY ko :)
Ang tsokolate na marahil ang pinakamasarap na bagay na matitikman ko sa buong buhay ko. Ito ang nagbibigay saya sa akin kapag ako ay malungkot. Nagpapagaan sa aking pakiramdam kapag ako ay pagod. At ang nagpapangiti sa akin kapag ako'y nakakaramdam ng pangungulila't lumbay. Sa madaling salita, kapag ako ay nakita niyong malungkot ay bigyan ninyo ako nito. :)
Sinasabi rin na ang tsokolate ay "FOOD FOR THE BRAIN" tulad ng mani. Kaya naman mainam ito para sa ating lahat . Lalo na sa mga estudyanteng katulad ko. Nabasa ko rin sa isang artikulo sa isang magasin na ang tsokolate ay may sangkap na nakakapagpawi ng lunkot ng isang tao, partikular na sa mga babae. Kaya nga nasabing "chocolates is girl's bestfriend" lalo na pagkatapos ng hiwalayan ng magkasintahan .
Kung ikaw naman ay sobrang health concious na ayaw kumain ng tsokolate dahil sa ito ay nakakataba ? sinasabi ko sa iyo... nagkakamali ka. Napagalaman ko kasi na hindi nakakataba ang pagkain ng "dark chocolates" araw araw. Sa katunayan nga ay isang sikat at kilalang personalidad ang nagsabi nito sa isnag kilala rin na pahayagan. Kung ikaw naman ay may diabetes, mayroon na ring mga tsokolate na sugar free. Kaya naman masasabi ko talaga na ang tsokolate ay para sa lahat. Ito ay masarap at makapagbibigay saya sa ating lahat .
Mary Ena Lorraine Carino
Sunday, November 28, 2010
Bravo MANGO Bravo !
Pinanganak ang isang Pilipino na may ”sweet tooth”, mahilig sa matatamis sa ibang salita. Kinahihiligan ng mga Pilipino ang mga kendi, lollipop, chocolate, meringue, at higit sa lahat cake. Sa panahon ngayon, kabi-kabilaan ang mga nagsitayuang bakery.
aking nakahiligan ang pagkain ng mango bravo. Isang masarap kung maituturing na cake. Mabibili ito sa mga outlet o branch ng “Conti’s”. kung iyong titignan ay mukhang isang ordinaryong cake lamang, ngunit pag iyong titikman malalasap ang natatanging kaibahan ng nasabing cake. Ito ay tinatawag na frozen cake. May pinagsamang mangga, mga mani at kung anu-ano pang pampasarap na kasangkapan sa isang cake. May kamahalan man ito, malaki naman ang maookupang espasyo sa iyong kumakalam na tiyan at sulit pa ang bawat sentimong iyong binayad. Sa bawat kagat ay katumbas ng isang hakbang paakyat patungong langit. Kapag iyong naubos ay pakiramdam mo ay nasa langit ka na. dahil sa sarap na madarama.
Zagu Sa P.Noval at Sa Puso Ko
(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9fCALk6CjFdXELA8CIK5BH7ekjEqXLlTqMNmdP3Xs2Uq5dcivCsVu5V_5q0poaXGrWIrcNcMHi3u8AMo2u0XcrKDLKkEDtyRdDIlJvwmeqN9ryrYNL7W3yialYGmxQsAds4hFUujCoy8M/s320/zagu.JPG)
Ikaw ba ay nakababad sa araw habang papunta sa USTe o di kaya habang naghahanap ng makakainan sa Carpark o sa labas? Sigurado akong uhaw na uhaw ka dahil sa tindi ng sikat ng araw na para bang sinasadyang bulagin ka at higupin ang lahat ng likido sa katawan mo sa liwanag at init na taglay nito! Para sa akin, kulang ang McFloat ng McDonald's o large iced tea sa may tindahan ng fried siomai para tanggalin ang uhaw ng akin lalamunan. Kailangan ko ng isang malamig na nakakakilig, masarap sa unang sulyap, at nakakapag dala sa langit na inumin. Ang inuming ito ay tinatawag na Zagu.
Maraming buwan ng pag eeksperimento ang ginawa sa pag hahalimbawa ng mga produkto at pag paplano bago naitatag ang pinaka unang Zagu noong Abril ng 1999. Ang Zagu ay nabuksan sa pagtulong ng isang "enterpenuer" na babae na may degree sa kursong food science galing sa University of British Columbia sa Vancouver, Canada. Hangang sa panahon ngayon, Zagu ay nakagawa mahigit sa 40 milyon na pearl at sa mga ibat ibang branches nito nationwide na umaabot ng 290 outlets. Ang Zagu din ay pinangaralan ng National Consumer Quality Awards at ang Parangal ng Bayan bilang People's Choice Awards at iba pang pangaral sa ibat ibang bansa.
Sa paglipas ng mga taon ang Zagu ay tinangkilik ng maraming Pinoy. Dahil ng pagkakaiba nito kaysa sa normal na inumin at dahil narin sa pagkakaroon nito ng maraming "flavours" na dahilan upang manatiling interesado ang bawat Pilipino. Ang lasa at flavour nito ay ang susi sa pagulit ulit at pabalikbalik na pag bili ng mga pinoy dito. Upang maabot ng mga mamimili ang mataas na kalidad ng inumin. Ang Zagu ay nagbibigay ng "fresh" at kalidad na inumin na nagpapakita sa mamimili ng "confidence" habang ginagawa ito sa tapat ng kanilang mga mata.
Ang Zagu ay gawa sa mga simpleng sangkap na ika'y magtataka kung papaano nila nagagawa ang sarap na hinahanap mo sa bawat cup ng Zagu. Gawa ito sa yelo, mga pearl o sago, at powder na nagbibigay ng lasa ng "flavour" ng inyong inorder. Karamihan ng mga gantong inumin ay napakaraming asukal pero ang Zagu ay iba dahil ito ay maroong mababang calorie content! Kaya sinong nagsabi na ang mga inuming mayroong "tea extract" at l-carnitine lang ang hindi nakakapagdagdag sa timbang? Alam mo ba na ang Zagu rin ay isang magandang pinagkukunan ng calcium? Ito'y makakapabgiay ng hanggang 160% ng calcuim na kakailanganin natin sa araw araw. Dahil dito, ang ating mga buto at ngipin ay titibay, tutulong sa blood clotting at sa heart palpitation! Akalain mo iyon? Sa isang order ng Zagu ay ganoon karami ang maaring ibigay para sa ating katawan!
Sa pagtatapos, ang Zagu ay sikat sa ating bansa sapagkat ito ay isang malamig na inumin na nagpapalamig sa ating katawan dahil ang Pilipinas ay isang tropical na bansa na para bang tag-init parati kahit tag-ulan na. At dahil sa matatamis at malambot nitong peral o sago ng kada inumin na kanilang ginagawa, ito ay nagugustuhan ng mga bata at ng mga matatanda sa ating bansa. So ano pa hinintay niyo? Sumubok na kayo ng Zagu para sa isang kakaibang lamig at sarap na inyong madadarama! Bili na!
By: Kirstin Montales
Saturday, November 27, 2010
Ca-ca-ca-CARBONARA! ♥
Carbonara w/ bread. ♥ |
Ano ba ang sa iyo? Ano ba ang paboritong pagkain mo? Marami sa atin ang may kanya kanyang hilig o pinakapaboritong pagkain sa ating buhay. Pagkain na may natatanging sarap, sangkap, lasa at kasiyahang dulot sa atin. Ako sa sarili ko ay mayroon ding natatanging pagkain na madalas kong kunahuhumalingan. Pagkain na madalas kong hinahanap. At kahit ito ang ipakain mo sa akin sa tatlong beses na pagkain sa isang araw, ay ayos lamang. Ito ay ang “CARBONARA”. Nagmula sa salitang “carbone” sa Italy na nangangahulugang charcoal sapagkat naniniwala sila na ang Carbonara ay unang niluto para sa mga charcoal workers. Ewan ko ba, hindi ko mawari kung bakit gustong gusto ko ang pagkain na ito. Charcoal worker na yata ako?! Biro lamang. :))
Maihahalintulad sa Spaghetti, ang Carbonara naman ay gumagamit ng kulay puting sauce. Ginagamitan ito ng pasta at ang mga kasangkapan para sa sauce nito ay ang bawang, egg, black pepper, butter, all purpose cream, evaporated milk, ham, bacon, mushrooms, cheese, at green peas kung nais. Ang kadalasang ginagamit na pasta rito ay fettuccini. Ngunit maari rin namang gamitan ng ordinaryong pasta upang makatipid. Ang klase ng cheese na ginagamit dito, minsan ay ordinary o parmesan. Ang pagluluto nito ay madali lamang. Pakukuluan ang pasta, igigisa ang bawang para sa sauce, at paghahalu-haluin ang mga natira pang kasangkapan ayon sa pagkakasunodsunod nito. Ang paghahanda naman nito ay ibubuhos mo sa pasta ang nayaring sauce. Manamis namis at tila lasang gatas itong Carbonara kapag naihalo na. Bukod sa pagiging paborito ko ang Carbonara, sa Shakey’s ko naman gustong gusto bumibili nito. Maaari mo ring samahan ng garlic bread ang Carbonara para sa lalong ikakasarap nito. Kadalasan mayroon nito sa mga restawran na pizza at pasta ang offer gaya na lamang ng Pizza Hut, Napoli’s, Fazoli’s, Sbarro, Italianni’s at marami pang iba. Kung sa loob naman ng Unibersidad ng Santo Tomas ang usapan ay mayroon nito sa Tomassi, sa ikalawang palapag sa carpark at Pasta Boy naman sa unang palapag.
Nagmula pa sa kultura ng mga Italiano. Hindi lang sa napakasarap at napakalinamanam! Ito rin ay may nutrisyong taglay para sa atin gaya ng carbohydrates na nagpapalakas ng energy, protein para sa muscle development at calcium para sa strong bones and teeth! Madalas ko itong ginagamit na depressant kapag ako ay malungkot at nakararamdam ng problema. Nakakatawang isipin, ano? Ngunit iyon ay totoo. Haha! Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Huwag nang palampasin pa na maranasan ang pagkain nito. Siguradong masisiyahan ka at sulit ang iyong pera kaya dito ka na, sa Carbonara! ;)
--Sarah Jane Wycoco Tolentino, 1-T3♥
The Greatest Shawarma.
Ano ba ang Shawarma? Ito ay isang parang sanwits na may laman ng tupa(lamb), kambing, manok, pabo o karne ng baka. Ito ay popular sa Middle East, Europe, the Caucasus at sa North Africa. Ito ay kinakain kasama ng pita bread, kamatis, pipino at minsan ay meron pa itong repolyo. Dito sa Pilipinas, ang shawarma ay popular na pagkaing matatagpuan sa mga malls. Ang sikat sa mga kabataan ay ang Shawarma Rice. Parehas lang ng mga sangkap maliban lang sa tinapay, na kung saan ay papalitan ng fried rice.
Ang Shawarma ay gawa sa laman ng tupa (lamb), kambing, manok, pabo o karne ng baka; sibuyas at kamatis na nakalagay sa ibabaw ng mga pampalasa. Ang karne ay dahan-dahang niluluto sa isang tuhugan sa harap ng nagliliyab na apoy hanggang sa ito ay maluto.Kapag luto na ang karne, ito ay hinihiwa ng mahahaba't makikitid na piraso gamit ang isang malaking na kutsilyo. Ang shawarma ay binubuo sa isang pita bread na may kasamang mga gulay at palaman. Ang mga gulay na matatagpuan sa shawarma ay pipino, sibuyad, kamatis, talong, at repolyo. Ito rin ay nilalagyan ng french fries sa ibang bansa. Pagdating naman sa palaman, Hummus ang nilalagay. Ang chicken shawarma ay iniihain kasama ng garlic mayonnaise o hot chili sauce. Ang karne ng baka ay maaaring gamitin para sa shawarma sa halip ng tupa at karne ng pabo naman ang ginagamit sa halip ng manok.
Masasabi kong shawarma ang aking pinakapabotiro sapagkat ito ay nagpapaalala saakin sa bansang Oman. Noong bata palang ako ay paborito ko na talaga ang shawarma. THE BEST ang shawarma sa Oman. Napakasarap lalo na kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Kapag kumakain ako ng shawarma, bumabalik ang mga masasayang alaalang nangyari saakin sa Oman. Sarap balik'balikan ang nakalipas habang kumakain ng shawarma. Tila ba nakakawala ng lungkot at problema sa buhay. At napakamura pa. Sulit na sulit ang 300 bzs (halos 35 pesos).
Ang Shawarma ay gawa sa laman ng tupa (lamb), kambing, manok, pabo o karne ng baka; sibuyas at kamatis na nakalagay sa ibabaw ng mga pampalasa. Ang karne ay dahan-dahang niluluto sa isang tuhugan sa harap ng nagliliyab na apoy hanggang sa ito ay maluto.Kapag luto na ang karne, ito ay hinihiwa ng mahahaba't makikitid na piraso gamit ang isang malaking na kutsilyo. Ang shawarma ay binubuo sa isang pita bread na may kasamang mga gulay at palaman. Ang mga gulay na matatagpuan sa shawarma ay pipino, sibuyad, kamatis, talong, at repolyo. Ito rin ay nilalagyan ng french fries sa ibang bansa. Pagdating naman sa palaman, Hummus ang nilalagay. Ang chicken shawarma ay iniihain kasama ng garlic mayonnaise o hot chili sauce. Ang karne ng baka ay maaaring gamitin para sa shawarma sa halip ng tupa at karne ng pabo naman ang ginagamit sa halip ng manok.
Masasabi kong shawarma ang aking pinakapabotiro sapagkat ito ay nagpapaalala saakin sa bansang Oman. Noong bata palang ako ay paborito ko na talaga ang shawarma. THE BEST ang shawarma sa Oman. Napakasarap lalo na kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Kapag kumakain ako ng shawarma, bumabalik ang mga masasayang alaalang nangyari saakin sa Oman. Sarap balik'balikan ang nakalipas habang kumakain ng shawarma. Tila ba nakakawala ng lungkot at problema sa buhay. At napakamura pa. Sulit na sulit ang 300 bzs (halos 35 pesos).
- Karla Cristina D. Reyes
SAGING LANG ANG MAY PUSO!
Kung sa KFC ay may Double Down, sa MCDO ay may French Fries, sa Jollibe ay may Chickenjoy…. Ano naman ngayon? Kung sa tabi-tabi naman ay may (dandananan) TURON! Oo pero bagamat isang saging lamang ito na dinamitan, walang tatalo sa naibibigay na galak at sarap sa akin ng turon.
Ang Turon ay Saging, kaunting Langka o Jackfruit, binudburan ng Asukal, na ibinalot sa Lumpia wrapper at ipinrito sa kumukulong Mantika. Siksik ito sa Potassium, Calcium, Iron, Magnesium, Phosphorus, Sodium, Zinc, Cpper, Manganese, Flouride, Selenium, Vitamin C at marami pang iba dahil sa Saging na pangunahing sangkap nito. At ang Langka naman ditto ay nagbibigay ng Sodium, Carbohydrates, Fiber, Protein, Vitamin A, Vitamin C, Thiamin, Riboflavin at iba pa.
Nagbibigay na ng enerhiya at masustansya pa. Paborito ko na ito simula pa noong highschool ako. Bukod sa mura na nakakabusog pa. Talaga nga namang kakaibang ligaya sa puso ang madarama. Ngunit kung ikaw ay kakain nito ay huwag dapat sobrahan dahil ito’y may asukal din na masama kung masosobrahan.
-RIA ELAINE D. CORTEZ
Baked Macaroni, talaga namang yummy!
Pasta. Isang pagkain na pang-alternatibo sa kanin. Maramiing uri ng mga pasta. May Spaghetti, may Carbonara, Seafood pasta, Lasagna, at iba pa. Ikaw, ano ba ang paborito mong pasta?
"Baked Mcaroni" talaga namang tunog palang, nakakatakam na! Hindi ba? Ewan ko ba kung bakit sa dinamirami ng mga lutong pasta ay eto ang aking pinakanagustuhan. Bagamat pamilyar ang baked Macaroni, ang lasa naman nito ay hindi mapapantayan ng ibang pang mga lutong pasta.
Tila humihinto ang oras. Para bang ako'y nasa langit at nakakaramdam ako ng kakaibang ginhawa at tuwa kapag ako'y kumakain ng Baked Macaroni. Damang-dama ko ang nanunuyot na keso sa ibabaw nito at ang mainit-init na pasta sa bawat pag-nguya ko.
Ang Baked Macaroni ay ginagamitan ng iba't ibang sangkap sa pagluluto. Mayroon itong butter, olive oil, beef, maliliit na ham at bacon, pati na rin salami at pepperoni, mushroom, bawang, sibuyas, at keso. Maari mo din itong dagdagan pa ng iba upang mas pasarapin ang lasa. Bukod sa malinamnam na lasa at sangkap nito, maraming bagay ang nabibigay nito sa ating ating kalusugan. Nagbibigay ito sa atin ng Carbohydrates tulad ng kanin, Protina, Calories, Fat, Potassium, Dietary Carbs, at marami pang iba.
Ang Baked Macaroni ay ginagamitan ng iba't ibang sangkap sa pagluluto. Mayroon itong butter, olive oil, beef, maliliit na ham at bacon, pati na rin salami at pepperoni, mushroom, bawang, sibuyas, at keso. Maari mo din itong dagdagan pa ng iba upang mas pasarapin ang lasa. Bukod sa malinamnam na lasa at sangkap nito, maraming bagay ang nabibigay nito sa ating ating kalusugan. Nagbibigay ito sa atin ng Carbohydrates tulad ng kanin, Protina, Calories, Fat, Potassium, Dietary Carbs, at marami pang iba.
Mabibili ang Baked Macaroni sa maraming sikat na restaurant dito sa atin. Kilala din ang pastang ito sa buong sulok ng mundo. Kaya't ano pa nga bang hinihintay mo? Magpapahuli ka ba? Halina't kumain tayo ng Baked Macaroni! Masarap na, healthy pa. Talaga namang yummy!
by: Angel Shae C. Jose
PASTA ALLA CARBONARA.
PASTA ALLA CARBONARA
Sa dinami-rami ng mga pagkain sa mundo, hindi ko alam kung bakit Carbonara ang laging nakatatawag ng aking pansin. Dahil kung tutuusin ay para lamang itong spaghetti ng may puting sauce na laging inihahanda sa mga birthday party. Simple at wala namang napaka-espesyal dito. Ngunit bakit nga ba? Anong meron ito na hindi kayang tantanan ng panlasa ko?
Ang Carbonara ay isang pagkaing nagsimula sa Italy. Pasta, ham, mushroom, cream at cheese ang mga kailangan kung gusto mong gumawa nito. Carbohydrates at protein naman ang ilan sa mga nutrients na ibinibigay nito. Masarap na, masustansya pa. Talagang nakapanglalaway hindi ba?
Dahil sa obssession sa Carbonara, sa katunanayan ay naging specialty ko na ito. Nagluluto ako ng naaayon sa panlasa ko. Kaya naman bawat subo dito'y heaven, ika nga. Malinamnam ito ngunit nakakaumay kung sabik ka sa sauce at pinaswimming ang pasta dito. Hindi ito mawawala sa menu ng mga restawrang pizza at pasta ang gimik. San ka man lumingon, carbonara is always present!
Gusto mong matuto kung paano magluto ng Carbonara? Panuorin mo ito.
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! =)
by Kylie Shayne Go
Pasta Alla Carbonara Na Sarili Kong Gawa
Pasta Alla Carbonara |
WOW!!!! Ang sarap talaga ng Carbonara. Sa lahat ng uri ng lutong pasta, ito ang pinakagusto ko! Kahit siguro araw-araw ay maaari na akong mabuhay na Carbonara lamang ang aking kinakain. Makarinig o makakita pa lamang ako ng Carbonara, ako'y na-e-excite ng malasahan itong muli. Simula yata highschool ay ito na ang pinakapaborito ko sa lahat ng aking paboritong pagkain.
Ito ay napakadali lamang lutuin! Ang mga sangkap na kakailanganin mo ay cream, linguine pasta o spaghetti, diced bacon, egg yolks, ginadgad na kesong Parmesan, kosher salt, pamintang durog, chopped parsley, at iba pang mga seasonings. Maaari rin namang magdagdag pa ng mushroom at iba pang gulay kung nanaisin. Sa aking recipe, nilalagyan ko pa ito ng ham kahit may bacon na dahil ako’y mahilig talaga sa karne. Ito ay mabibili sa kahit saang restawrant sa buong mundo. Pati sa mga mumurahing kainan ay mayroon na ring Carbonara. Kung kaya’t saan man ako magpunta ay hindi ako nalulungkot na wala akong matatagpuan na Carbonara roon.
Higit sa lahat, ito ay nakapagbibigay ng carbohydrates sa ating katawan dahil sa cream na gawa sa gatas. Mayroon din itong protein na nagmumula sa karneng kasama sa recipe nito. Ang dalawang nutrients na iyon ay talaga namang kailangan ng ating katawan upang magkaroon ng lakas sa pang-araw-araw na mga gawain. Kakaibang karanasan ang naidudulot ng Carbonara sa akin tuwing ito'y aking kinakain. Ako'y sobrang nagagalak at mas inspired gawin ang aking mga tasks sa buong araw. Ako ay mas lumalakas at nagiging masayahin.
- Jodie Claire Rosales
Friday, November 26, 2010
HOT CARAMEL SUNDAE
Hindi ka ba nagsasawa sa chocolate ice cream? sa chocolate cake? paano pa sa chocolate na palaman ng iyong tinapay? Naging parte na ng buhay ko ang pagkain ng Hot caramel sundae ng Mcdonalds siguro dahil sa nagsawa na ako sa mga chocolate na lasa ng pagkain. Puro chocolate nalng, kaya naman nang matikman ko ang Hot caramel sundae ito naging isa sa mga paborito kong ice cream. isa na sa dahilan kung bakit gusto ko ito ay hindi ito chcolate at dahil sa tamis sa unang tikim.
Isa sa mga paborito ko ang Hot caramel sundae dahil hindi lamang masarap tignan kundi masarap din pag natikman. Pero maraming tao ang ayaw ng Hot caramel sundae dahil sobrang tamis daw nito. Masasabi kong matamis nga ang Hot caramel sundae dahil isang besses nang kumain ako nito at hindi naka-inum ng tubig ako'y nagka-ubo. Ngunit kahit anung gawin ko, hindi ko pa rin matiis ang Hot caramel sundae dahil sa dalawang bagay. Una, dahil sa sarap nito at ang pangalawa ay ang presyo nito. Ang Hot caramel sundae ay Php 25 lamang. Masarap na, mura pa.
Kaya naman, tikman na ang Hot caramel sundae kung umay ka na sa chocolate at kung ikaw ay nagtitipid ngunit gusto ng masarap na ice cream.
Ma.Antonette C. Dejan
Fruit Salad na paborito, tanda ng aking Pasko!
Isang malamig na klima, musika na kay saya at mga kumukutitap na bumbilya, ang siyang mga palatandaang Pasko'y sasapit na! Marahil marami sa ating mga Pilipino ay paborito ang buwan ng Disyembre, dahil ito ang panahon kung saan halos lahat ng tao'y nagdaraos ng kasiyahan at kainan. Isa lamang ito sa mga nakagawian ng mga Pilipino upang alalahanin ang Pasko, ikaw ano ang tanda ng Pasko mo?
Nakaugalian na ng mga Pilipino ang natatanging paghahanda para sa kapaskuhan. Sa aming bahay, tulong tulong pa din kaming buong pamilya sa pag-aayos ng mga dekorasyon kahit na maaari na lamang ito ipagkatiwala sa iba, sapagkat nais naming madama ang "spirit of Christmas" kung tawagin ng iba. Sa umaga naman, ang aking mama ay walang humpay sa pagpapatugtog ng mga Pamaskong kanta kaya naman tuwing gigising ako, ay bigla na lamang akong mapapangiti at naiisip ko kung Pasko na ba talaga. Ngunit agad ko ring naaalala na may kulang pa, dahil wala pa ang paborito naming panghimagas, ang "Fruit Salad". Ang panghimagas na ito ay binubuo ng iba't-ibang ingredients na sa pagdaan ng panahon ay nabigyan ko na ng mga kahulugan. Ito ay di mabubuo kung wala ang iba't-ibang prutas na para sa akin ay siyang kumakatawan sa mga suliraning aking nakaharap, sumunod ay ang all purpose cream at mga gatas na puting puti at nagpapaalala sa akin na panatilihing gawin ang tama at wastong kaugalian kahit pa napakadaming problema at sa huli ay ang buko, na siyang kumakatawan sa mga taong patuloy na pinangangalagaan ako at naniniwala sa aking kakayahan. Sa aming bersyon ng Fruit Salad, mas dinaramihan namin ang buko kaysa prutas, dahil minsa'y nakakasawa ang sobrang prutas, kaya naman ang trabaho ng buko ay pampatanggal ng aming pagkasuya. Sa aking paghahalintulad, minsa'y nakakapagod talagang isipin at ikulong ang iyong sarili sa mga problema kaya sa halip na magpakalubog sa mga ito, palibutan mo ang iyong sarili ng mga taong mapagkakatiwalaan mo at alam mong mahal mo. Paborito ko ang Fruit Salad sapagkat madami itong kahulugang nagpapaalala sa akin ng mga simple ngunit makahulugang aral. Ang panghimagas na aking paborito ay kailanma'y di mawawalan ng mga prutas dahil ito ang "main ingredient", tulad sa ating buhay, ang tao'y hindi mauubusan ng suliranin o problema, ngunit sa aking pagpapakahulugan tulad ng sa buko, maaari nating palibutan at balutin ang ating mundo ng mga taong tutulong sa atin at maniniwala sa kung ano ang kaya nating gawin.
Higit sa lahat, ang isang recipe ay maaaring dagdagan o bawasan dahil ang lahat ng kalalabasan nito ay nakasalalay lamang sa taong nagluluto o naghahanda ng pagkaing ito. Samakatuwid, ang lahat ay nasa iyong balikat lamang, ikaw ang siyang gumagawa ng buhay mo kaya't piliin mo ang makapagpapasaya sa iyo at manatili kang posotibo! Ang Fruit Salad ang nagpapaalala sa akin ng mga bagay na ito at siyang palatandaan ng aking Pasko. Ikaw ano ang tanda ng iyong Pasko?
- Ma. Iana Kariz I. Arriesgado -
1T3
Ang walang katapusang Icecream
Karaniwan na sa mga Pilipino ang mahilig sa pagkain ng malalamig,
dahil na rin sa ang Pilipinas ay isang mainit na bansa. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit
madaming pagkain sa malamig sa katawan ang nagsusulputan sa Pilipinas.
Isa na dito ang Icecream o ang sorbetes, hindi ko alam kung bakit ba simula pa nung
bata ako ay mahilig na kong kumain ni icecream.
Noong ako ay maliit pa lang madinig ko pa lang ang tunog ng maliit na tililing
ni mamang sorbetero ay napapalabas ako agad ng bahay
at kung siya naman ay nakalagpas na, hahabulin at hahabulin ko pa din siya.
Sa lugar namin sa Bulacan, isa ang tito ko sa mga may ari ng pagawaan ng icecream,
kaya naman kapag ala akong pasok ay magsusupot agad ako ng aking damit
ng pang isang araw at pupunta na sa kanila, dahil alam ko na gatabong icecream
kagad ang ibibigay nila sakin sa aking pagpunta.
Noong naghighschool naman ako ay madalas padin ako bumili ng icecream paglabas
na paglabas ko ng eskwela. Minsan nga kapag break ay icecream padin ang hinahanap hanap ko.
at nung nagcollege naman ako ay naging suki ako ng mini-stop at saka ng Mcdo.
Ang icecream ay sadyang matamis at malinamnam sa dami ng flavor na iyong pagpipilian ay tiyak
na hindi ka magsasawa.Hindi na lang maituturing ang icecream na basta pampalamig dahil maraming sustansya ang makukuha sa dito tulad na lamang ng Calcium, Carbohydrates, Protein, Fats at iba pa. Nakakatulong din daw ito sa na pampalubag loob sa mga taong nalulungkot at naiistress.
Iba't ibang klaseng icecream na ang naglalabasan sa merkado tulad na lamang ng fried icecream. ice cream
na may ginto, ice cream na ipinapalaman sa tinapay o sa cookies, ice cream cake, at marami na ring flavor ang naidagdag sa listahan. Ngunit kahit ano pa man siya ay di parin magbabago ang kahiligan ko sa icecream dahil ibang pakiramadam ang dumadapo sakin
kapag nakakatikim ako nito.
The Best Sorbetes on Earth
Wala ng mas katakam takam pa sa isang tasa ng sorbetes, hindi ba? Ngunit ano kaya kung ito ay ilagay mo pa sa malutong na apa, budburan ng chocolate sprinkles at buhusan ng matamis na chocolate dip na pinatitigas ng nagyeyelo sa sarap na vanilla ice cream. Nasa imahinasyon niyo na ba ang imahen ng sorbetes na tinutukoy ko? Hmmmmm…. Natitiyak kong naglalaway na kayo.
Para sa isang simpleng dalagang tulad ko, wala ng mas sasarap pa sa Cornetto Ice Cream. Naaalala ko pa ng una kaming magkita, dinedma ko lang siya at pinagmasdan na nakahalandusay sa loob ng ice cream freezer. Ilang taon din niya akong sinuyo at ngayon nga’y hindi niya lang kinukumpleto ang araw ko, binubusog din niya ng saya ang panlasa ko. Ang Cornetto Ice Cream ay may tamang tamis at may mga flavours na pwedeng pwedeng pagpilian. Halos sa lahat ng pamilihan ay makikita ito kaya garantisadong hindi kayo mahihirapang matikman ang kasiyahan at linamnam na hatid nito. Sa ano mang pangit na araw ay may sagot na sarap ang sorbetes na ito. Damang dama ko ang gaan ng loob sa tuwing ito ay matitikman ko.
Sa lahat ng pagkain, kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang Cornetto Ice Cream. Hindi lang dahil sa masarap at paborito ko ito, kundi dahil rin sa tuwa na dulot nito. Ewan ko ba, pero parang may mahika ang bawat pagtunaw ng sorbetes na ito sa bibig ko at ang pinaka inaabangan ko sa lahat ay ang pagkagat sa dulo ng apa na may lamang tsokolate. Sobrang sarap talaga ng life. Kasing sarap ng Cornetto Ice Cream!!!
Mary Michaela A. Tatualla
Thursday, November 25, 2010
Gambas Al Ajillo
Kahit na nung ako ay bata pa lamang, sinanay na ako ng aking tita na kumain ng mga pagkain na hindi pang-karaniwan. Kung anu-ano ang mga pinatikim niya sa akin na pagkain, orihinal man na lutong Pinoy, o mga kakaibang luto ng ibang bansa. Marami akong natikman, nagustuhan, di-nagustuhan, at mga naging paborito. Ang naging pinakapaborito ko na dito ay ang napakasarap na Gambas Al Ajillo ng Dulcinea.
Noong ako ay nasa Grade 5 pa lamang, dinala na ako ng aking tita sa Dulcinea habang kami ay nasa sa SM Manila. Iba ang una kong inorder dito, ngunit pagdating ng pagkain ng aking tita, ay parang nawala na sa isip ko ang sarili kong pagkain. Amoy pa lang nito ay nakakakuha na agad ng atensyon, at ang itsura ay talagang nakakalaway. Humingi ako sa aking tita, dahil noong nakita ko palang ay gustong gusto ko na matikman ito. Nang akin nalasahan, ay nagsimula na ang aking pagmamahal para sa Gambas.
Ang Gambas Al Ajillo ay isa sa mga pinakasikat na putahe sa Spain dahil punong-puno talaga ito ng lasa. Ang hipon ay ibinababad at niluluto sa timpla ng mantikilya, bawang, oregano at olive oil. Madali lang siya lutuin, at pagkatapos at katakam-takam kainin. Unang kagat palang ay pumuputok na sa lasa.
Makakasigurado kayo na kapag ako ang kasama niyong umalis, at tinanong niyo ako kung saan ko gusto kumain, agad agad akong sasagot ng Dulcinea, upang matikman muli ang malasap na Gambas Al Ajillo. Tikman niyo, di kayo magsisisi. :)
SALAMAT SA INYONG PAGBABASA! :>
-Kyra Porciuncula
-Kyra Porciuncula
Sinigang na Malinamnam
Isa sa mga kinahiligang gawin ng mga pinoy ay ang pagkain. Sino nga ba ang tatanggi sa pagkain? Tuwing tayo ay nagugutom, na-iistress, nababagot, walang magawa, gustong sumaya, karaniwan sa atin ay kumakain. Maraming naidudulot na positibo sa atin ang pagkain. Maaring mabago ang buong araw ng isang taong mainit ang ulo maghapon kapag nakakain siya ng paborito niyang pagkain.
Kung ako ang inyong tatanungin, marami akong inaasam na pagkain, subalit ang pinaka hinahanap hanap ng aking panlasa ay ang Sinigang na baboy! Lalo na ang recipe ng aking yumaong lolo, na napaka sarap, napaka asim at ginamitan ng mga natural na sangkap. May mga sangkap itong, baboy, kamatis, labanos, sitaw, kangkong, sampaloc at iba pang mga pampalasa na pag pinaghalo-halo ay nagbubunga ng kakaibang sarap! Maraming sustansya ang maaring makuha rito dahil sa mga gulay na sangkap nito. Dahil sa sarap at sustansyang aking nalalasap sa sinigang, ito ay nagsisilbing “comfort food” ko. Tuwing ako’y uuwi sa Laguna, inaasam kong Sinigang ang ulam na inihain dahil ang luto sa amin ang pinakamasarap na sinigang na aking natikman. Pagkalipas ng anim na araw na pananatili ko sa Manila, na puno ng gawain, nais kong madatnan sa aming bahay ang makakapagpawala ng aking pagod.
Sobrang paborito ko ito, kahit isang buwan kong ulam ang sinigang, ayos na ayos lang sakin! Nakawawala ng pagod, nakapagpapasaya sa akin at higit sa lahat, nakapagpapaalala sa akin ng mga magagandang pangyayari kasama ang aking lolo. Sa dinami dami ng pagkain, sinigang ang pumukaw sa aking panlasa.
Salamat sa pagbabasa! :)
Maria Joeana C. Naval
Ang Kanin, Parang Rice
May nakapagtanong na ba sa iyo kung ano ang paborito mong pagkain? Ano ang iyong isinagot? Leche flan? Lasagna? Sinigang? Ngunit may nakapagsagot na ba sa inyo ng kanin? Sino nga namang hunghang ang sasagot ng kanin? Ako! Isa akong hunghang. Sa dinami-rami ng pagkain, kanin pa ang aking napili. Bakit ko nga ba ito naging paborito?
Ang kanin ay nagmula sa binhing itinanim na naging palay at inani sa pamamagitan ng karet o makina at saka iginiling upang maging bigas, pagkatapos ay isinaing sa kaldero o sa "rice cooker". Ito ay may iba't ibang klase ng luto gaya ng garlic rice, java rice, japanese rice, pandan rice, garden rice ng Goldilocks, at pwede rin namang toyo rice katulad ng hilig ng kaklase ko. Nakakaadik rin ang kanin. Kadalasan, sinasabi ng mga tao, "Gusto kong magkanin!". Talaga naman kasing nakabubusog ang kanin. Kaya lang, 'pag nasobrahan ka, baka paggising mo na lang sa umaga, nasa "sumo wrestling" ka na.
Ang kanin ay nagtataglay ng carbohydrates na s'yang nakapagpapabusog at nakakapagpalaki ng katawan lalo na ng bilbil.
Para sa mga "diabetic", lason ang kanin, sapagkat ito ay may kakayahang pataasin ang "sugar level" mo na maaaring maging dahilan ng unti-unting pagkawala ng mga parte ng katawan mo. Para itong tableta ng asukal na nalulusaw sa katawan.
May iba't ibang tekstura at paraan ng pagkakaluto ng kanin. Mayroong matigas at hiwa-hiwalay ang mga butil, may malambot at sobrang dikit-dikit na para nang puto, may nasobrahan sa tubig na kulang na lang ay tuwalya ng baka para maging lugaw, at mayroon din namang katamtaman at swak na swak sa panlasa mo. Ang kanin o bigas ay mayroong ding mga uri. Isa na rito ang sinandomeng, denorado, ang "blockbuster hit" na NFA rice na 18pesos/kilo, ang pinakamasarap na Jasmine rice na nagkakahalaga ng 80pesos/kilo, at marami pang iba. Sa katotohanan, ang uri talaga ng bigas ang nakakaapekto sa tekstura at itsura ng kanin at kung paano ito magrereak sa pagluluto dito para maging kanin. Kaya kung gusto mong mag-enjoy sa pagkain ng kanin, pumili ka ng bigas na magandang isaing.
Hindi natin maikakaila na talagang sikat ang kanin. Sa katunayan, sa sobrang pagkaadik na tao sa kanin, inilagay ito sa sikat na sikat ding kasabihan ngayon: "Ang pag-ibig, hindi parang kaning mainit na pag isinubo't napaso ay pwede mong iluwa." Kung naging album lang ang kanin, siguro, "triple platinum" na ito ngayon o higit pa. At bilang pagbibigay-puri sa kanin, ito rin ang napiling ilagay sa napakainit, sariwang-sariwa, at pinag-uusapang kasabihan ngayon: "Kanin ang kainin mo para 'di ka maging bobo." Totoong pinag-uusapan na ito kahit siguro, bago mo lang ito narinig. Isa lang ang ibig sabihin n'yan, huli ka na sa balita. Mabuti pa'y ang habulin mo ang panahon, napag-iiwanan ka na.
Oo. Mahina ako. Tawagin mo na 'kong "weak" o kaya "emo", pero hindi talaga ako mabubuhay ng wala ang kanin. Kung manliligaw man sa 'kin ang kanin, walang pagdadalawang-isip ko itong sasagutin. Maniwala ka man o hindi, ang kanin ang dahilan kung bakit hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan hanggang ngayon. May mahal na ako at kanin iyon. Hindi man kapani-paniwala at sobrang walang kwenta ang sinabi ko, totoo iyon, pero 'wag kang maniwala. Pero hinahanap-hanap ko talaga ang kanin. Kulang ang isang araw kapag walang lumapat na mainit na kanin sa aking malapad na dila. Hindi ko rin kayang kumain ng kahit na anong ulam nang walang kanin. Pupusta ako, kahit kayo, hindi makakakain ng kare-kare nang walang kanin. Lahat ng ulam ay bagay sa kanin kaya nga marami akong kaagaw. Sa sarap ng kanin, sino'ng hindi mahuhumaling dito? Kaya nga kanin ang paborito kong pagkain.
Makrema na……. Masustansya pa……
Makrema na……. Masustansya pa……
Sa buong buhay ko,marami na akong natikmang pagkain. Madami na rin akong pagkaing nagustuhan, inayawan at naging paborito. Ngunit sa tinagal na panahon ice cream lang ang masasabi kong pinaka paborito ko at hindi ako masasawang paulit-ulit na kainin. Ano nga bang meron ang ice cream? Ano nga ba ang mga sangkap nito bakit masarap? Ano nga ba ang makukuhang sustansya mula dito?
Ang ice cream ay binubuo ng gatas, sweetening agents tulad ng asukal, honey, vanilla at iba pa, pampalasa at solid additions tulad ng mani, mga prutas, marshmallows, chocolate at iba pa. Kaya pala sa bawat subo ko ng ice cream ay damang dama ko ang tamis at linamnam nito na nagdudulot sakin ng saya at kakaibang sigla. Meron din itong 260 calories, 15 gramong fat, carbohydrate at 55 milligram cholesterol sa bawat isa’t kalahating tasang vanilla ice cream. At alam nyo ba, hindi lang masarap ang ice cream kundi mainam din ito upang maiwasan ang AIDS! Ayon sa isang paga-aral, ang ice cream ay maysangkap na tinatawag na glycerol monolaurate na nakakatulong upang maiwasan ang AIDS.
O diba,hindi lang ito masustansya, nakakatulong pa… Hinay hinay nga lang sa pagkain ng ice cream, baka kayo tumaba…. Marami na sa panahon ngayon na nagtitinda ng ice cream. Meron sa mismong ice cream parlor, meron sa mga fast food at meron din sa mga lansangan na binebenta ng mga mamang nagbibisikleta…. Pero kung ako sa inyo, ang “The BEST” na ice cream ay mabibili sa Macdonal.. Bili na kayo para madama nyo ang kakaibang sarap ng ICE CREAM.
Tuesday, November 23, 2010
Pesto Pasta: Luto ni Ama, Paborito na Aking Dila!
Sa halos labing pitong taong pamumuhay ko sa mundo, ako ay labis na naligayahan. Maraming bagay sa buhay ko ang nagdulot ng kasiyahan sa akin. Ang aking pamilya, mga kaibigan at mga biyayang aking natatanggap sa araw-araw. Halimbawa nito ay ang mga paborito kong pagkain na siyang nagpapagaan ng loob ko sa mga oras na nahihirapan ako. Kahit sa ilang saglit lamang na kainin ko ito ay talaga namang sumasaya ako.
Bata pa ako ng una kong matikman ang pagkaing ito na talaga namang tumatak sa aking panlasa. Maraming ayaw sa pagkaing ito ngunit wala akong pakialam. Hindi ko alam kung bakit ko ito gusto, ang alam ko lang ay paborito ko ito at masaya ako sa tuwing kinakain ko ito. Ang pagkaing ito ay tinatawag na Pesto Pasta. Simple lamang ang putaheng ito. Sariwang basil leaves, garlic walnuts at Parmesan cheese lamang ang mga pangunahing sangkap ngunit maaari mo itong pasiglahain pa sa pamamagitan ng paglalagay ng hotdog na isa rin sa mga pinaka paborito kong pagkain, ham o pepperoni, tuna, chicken kamatis at marami pang iba na hiniwa lamang ng maninipis. Isa sa mga kainan na masarap magluto ng putaheng ito ay ang Don Henrico’s na nagbebenta nito sa halaga lamang na 220 piso. Maraming mga kainan na ang nasubukan ko pagdating sa putaheng ito ngunit iba pa rin ang lasang nakatatak sa dila ko. Walang halong pambobola ngunit ang luto talaga ng aking ama ang pinaka gusto ko. Siya ang nagluto ng unang Pesto Pastang natikman ko at mula noon ay naging paborito ko na ito. Napakalinamnam nito at talaga namang napaparami ang kain ko kapag ito ang nakahain sa harap ko ngunit panatag ako na ayos lang kahit marami akong kaiinin dahil napag-alaman ko na tumutulong ito para maiwasan ang high blood pressure at mga sintomas ng peptic ulcers, colitis at asthma.
Aminado ako na madali akong naaapektuhan ng mga bagay na balakid sa aking ninanais at palagi na lamang sa pagkain ko naibubuhos ang inis ko sa mga ito. Kaya naman kapag naiirita na ako sa mga pangyayari sa buhay ko ay kain lang ako ng kain. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan ang paborito kong Pesto Pasta upang pasiglahin ako. Nawala na ang inis ko, busog pa ako!
Maraming salamat sa pagbabasa!
Maria Pamela D. Lopez, CTHM-1T3
Pesto Pasta: Luto ni Ama, Paborito na Aking Dila!
Sa halos labing pitong taong pamumuhay ko sa mundo, ako ay labis na naligayahan. Maraming bagay sa buhay ko ang nagdulot ng kasiyahan sa akin. Ang aking pamilya, mga kaibigan at mga biyayang aking natatanggap sa araw-araw. Halimbawa nito ay ang mga paborito kong pagkain na siyang nagpapagaan ng loob ko sa mga oras na nahihirapan ako. Kahit sa ilang saglit lamang na kainin ko ito ay talaga namang sumasaya ako.
Bata pa ako ng una kong matikman ang pagkaing ito na talaga namang tumatak sa aking panlasa. Maraming ayaw sa pagkaing ito ngunit wala akong pakialam. Hindi ko alam kung bakit ko ito gusto, ang alam ko lang ay paborito ko ito at masaya ako sa tuwing kinakain ko ito. Ang pagkaing ito ay tinatawag na Pesto Pasta. Simple lamang ang putaheng ito. Sariwang basil leaves, garlic walnuts at Parmesan cheese lamang ang mga pangunahing sangkap ngunit maaari mo itong pasiglahain pa sa pamamagitan ng paglalagay ng hotdog na isa rin sa mga pinaka paborito kong pagkain, ham o pepperoni, tuna, chicken kamatis at marami pang iba na hiniwa lamang ng maninipis. Isa sa mga kainan na masarap magluto ng putaheng ito ay ang Don Henrico’s na nagbebenta nito sa halaga lamang na 220 piso. Maraming mga kainan na ang nasubukan ko pagdating sa putaheng ito ngunit iba pa rin ang lasang nakatatak sa dila ko. Walang halong pambobola ngunit ang luto talaga ng aking ama ang pinaka gusto ko. Siya ang nagluto ng unang Pesto Pastang natikman ko at mula noon ay naging paborito ko na ito. Napakalinamnam nito at talaga namang napaparami ang kain ko kapag ito ang nakahain sa harap ko ngunit panatag ako na ayos lang kahit marami akong kaiinin dahil napag-alaman ko na tumutulong ito para maiwasan ang high blood pressure at mga sintomas ng peptic ulcers, colitis at asthma.
Aminado ako na madali akong naaapektuhan ng mga bagay na balakid sa aking ninanais at palagi na lamang sa pagkain ko naibubuhos ang inis ko sa mga ito. Kaya naman kapag naiirita na ako sa mga pangyayari sa buhay ko ay kain lang ako ng kain. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan ang paborito kong Pesto Pasta upang pasiglahin ako. Nawala na ang inis ko, busog pa ako!
Maraming salamat sa pagbabasa!
Maria Pamela D. Lopez, CTHM-1T3
Subscribe to:
Posts (Atom)