Ito ang paborito kong pagkain na tinatawag na “talaba” or sa ingles “Fresh Oysters”, matagal ko nang paborito ito. Simula nung ako’y bata pa, kinakain na namin ito ni mommy sa SM north or kami ay bumibili ng sariling supply at kami na din ang nagbubukas at naghahanda para sa pamilya namin. Lagi kami ni mommy nagaagawan sa pinakamalaki na talaba sa plato at padamihan din minsan ng makakain nito. Ngunit, kahit gaano siya kasarap minsan delikado din ito kasi pag nasobrahan naman sa pagkain, pwedeng magkafood poisoning at masiraan ng tiyan ng ilang araw. LBM ang idudulot nito or matinding pananakit ng tiyan. Kaya importante din na makakain muna ng ibang pagkain bago kumain nito para mas maliit ang chance na makakuha ng food poisoning.
Sa pagkain na ito walang special na pagluto, kasi HINDI ito niluluto. Simple lang ito na nililinisan at nilalagyan ng calamansi or lemon para mamatay siya at maging safe na kainin. Pag kami ni mommy ang kumakain nito, nilalagyan namin sa simula ng lemon, tapos hahayaan muna maluto sa acid nung lemon. Tapos pag alam na naming pwede nang kainin, lalagyan na ng sibuyas, olive oil, onting herbs, at isasaw-saw sa suka. Pwede din minsan sa Salsa na may kamatis, garlic, Onions, suka, at pampa-anghang. Kinakain ito ng buo kaya minsan maganda din na magsimula sa maliit paara hindi mabulunan. Pwede din may tubig sa tabi para panulak sa masarap na pagkain na ito.
Habagat D. Santos-Cuyugan, 1T3.
di pa ako nakakakai nito.minsan nga patikim :) mukhang malinamnam ! :))
ReplyDeletesis ang exotic naman ata ng favorite food mo. pero mukang masrap ah. :)
ReplyDeletehndi pa ko nakakakain niyan, pero after kong basahin to, prang gusto ko ng tikman. :))
ReplyDeleteOO Sis AKO :)))))))))))))!! akin nga pala 'to, akala ko mapapakita kung sino maglalagay nung blog :)) sorry naman.
ReplyDeleteHABAGAT D. SANTOS-CUYUGAN, 1T3.
gusto ko ung may cheese. haha pampahighblood :D
ReplyDeleteHindi ko pa ito natitikman. Sa susunod, ilibre mo ako nito. Haha.
ReplyDeleteNever tried pero I wanna! Mukang masarap siya sa lutong may butter. :D
ReplyDelete