Monday, November 22, 2010

A taste of my buds

Morning berry Smiles



   Hindi ako mahilig kumain ng agahan. Hindi ako mahilig sa tinapay. Hindi ako mahilig sa matatamis. Anlabo diba? Pero lahat ng yan ay nakapaloob sa aking Pinaka-paboritong pagkain. Ito ay matuturing ko ring comfort food ko,madalas ko tong paglihihan bago ako datnan ng aking buwanang dalaw. Una akong nakatikim ng plain waffle noong minsang pumila ang nanay ko sa French Baker upang makahabol sa 50% discount pagsapit ng 8:30 pm,bago magsara ang mall. Matagal pa itong natambak sa  Lalagyanan ng tinapay mula nang ito'y binili. Ngunit dahil sa matinding kagutumang naramdaman ko, ang waffle na iyon ang nakita ko. Kinain ko ito "HMM!! ansarap ah? ayos pala toh eh." manamis-namis na malutong sa labas at makunat sa loob. Kakaibang ligaya nadama ko non. nabusog na ako natuwa pa ako. Love at first taste ika nga? Dito nagsimula ang kwento namin ni "Waffle". 

    Ang waffle na nasa larawan sa itaas ay pinangalanan kong "Morning berry Smiles". Oo,ako nagpangalan niyan dahil ako rin mismo ang gumawa nito noong kaming pamilya ay nagbakasyon sa Edsa Shangri-La nitong sembreak. Ito ay nararapat na kainin sa agahan pero pwede rin namang kainin na miryenda o panghimagas. Binubuo ang Morning berry Smiles ng Breakfast waffles na bagong luto,strawberries,blueberries at raspberries,binudburan ko rin ito ng almond slices sa itaas at white chocolate syrup na panghuli. Napakasarap talaga nito lalo na habang nalalasahan mo ang iba't ibang sangkap nito ay naghahalo sa loob ng aking bibig kasabay narin ng pagkunat ng mani at saktong tamis na ibinahagi ng syrup. Sinabayan ko ang pagnamnam ng agahan ko ng non-fat fresh milk na nilagyan ko ng onting yelo.
   
   Siguro kayo'y napapaisip na habang binabasa ang sanysay na ito, "kaya antaba ni julienne eh?" "nakakataba naman yan masyado?" mga kaibigan, nais kong ipagbigay alam sainyo na Una sa lahat ang Agahan ay ang pinakaimportanteng oras ng pagkain. Nirerekumenda rin ng karamihan na damihan ang pagkain sa oras na ito dahil dito kinakailangan ng katawan natin ng carbohydrates upang magkaroon ng enerhiya para sa pang araw-araw na gawain. Pangalawa ay may mga prutas naman akong nilagay kaya healthy parin naman yon,nakakataba ka jan? Masarap kaya, Try mo!
   
   Naalala ko pa ang pagkasabik ko noong nakita ko ang waffle station sa buffet island sa restawran ng hotel.Yung pakiramdam na habang ginagawa mo ito ay ayaw mo na itong galawin dahil napakaperfect nito sa iyong paningin? Happiness at Fulfillment yun lang masasabi ko. Sana sa mga darating pang panahon ay matikman niyo rin ang Morning berry Smiles ko nang tuluyan niyong maramdaman ang ligayang naidulot nito sakin.





-Julienne Castro
:">






10 comments:

  1. Mukang masarap nga toh. :) - Jeli

    ReplyDelete
  2. parang ang sarap nga!!:) gusto ko din mtry nextime!:) nice one!~

    ReplyDelete
  3. Pwede pala gawin yun sa Shang? Nice.
    Parang ang sarap kasi kakaiba siya for breakfast:)
    Gusto ko mag luto tayo sabay! Alam ko mahilig ka rin mag luto. Ako rin :DD

    ReplyDelete
  4. masarap talaga ang waffles angganda pa ng pinangalan mo :D

    ReplyDelete
  5. Nais kong matikman ang pagkaing ito. Parang ang sarap sarap base sa iyong mga sinabi.

    ReplyDelete
  6. Yumyumyum naman bb dalhan mo ako nito. ;)

    ReplyDelete
  7. mukhang napakasarap nito a. I want!

    ReplyDelete
  8. waw, hindi pa ako nakakatikim nyan. gusto kong mkatikim nyan, mukang masarap eh.! hehehe

    ReplyDelete
  9. mas masarap basahin ang mga positive comments niyo! :"> hmmm. busog na busog ako! kaya sainyo ako eh...sainyo ako lumiligaya! ay ay? :)) salamat! di ble sa susnod mgddla or ggwa or luluto tayo niyan! :) thanks ya'll - julienne

    ReplyDelete
  10. woooooooo!!!! picture palang eh mukhang masarap na at ng basahin ko ang iyong blog eh mas natakam pa ako sana'y matikman ko rin iyan!! :)

    ReplyDelete