Kaldereta
Brandon Y. Esperancilla
Noong ako ay bata pa lamang, ay nakagawian na namin na magpunta sa bahay ng aking mabutihing lola tuwing may isang munting salo-salo, kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Nandoon ang mga pinsan, mga ninong at ninang at marami pang iba. Para bang ang salu-salong ito ay nagpaparamdam na ng pasko kahit linggo pa lamang sa Mayo ito. Syempre, isa sa pinaka inaabangan sa isang salu-salo ay ang pagkain. Sa isang mesa naroon ang iba't ibang potahe na niluto ng aking lola at mayroon din namang binili katulad na lamang ng lechong manok. Pero nang ilapag niya sa hapag-kainan ang isang potaheng lumiliyab sa kulay ay doon dinala ng aking paningin ang atensyon ko. Maraming mga sangkap ang nasa potaheng iyon noong aking nakita. Naroon ang baka na natakpan na ng malapot na sabaw, may malalaking hiwa din ng patatas at carrots, at kulay berde at pulang bell peppers. Tila bang isang eksena nanaman ng pagpaparamdam ng pasko ang ipinakita ng potaheng aking nakita. At nang lumapit ang aking lola ay tinanong ko kung ano iyon at sinabi niya: "Kaldereta iyan." Nang aking kunin ang sandok, binuhusan ang malapot at umaapoy na kulay ng kaldereta sa mainit na kanin, kumuha ng hiwa ng baka, patatas at carrots, nagdasal muna kami bago ang lahat ay kumain. Nang aking kainin, tila bang Bagong Taon ang ginaganap sa loob ng aking bibig. Napakasarap ng potaheng iyon, ramdam mo ang lambot ng baka, ang tamang pagluto sa mga gulay, at ang sipa ng anghang na nanunuot sa sabaw. Habang ako ay kumakain ay pinagpapawisan ako, hindi dahil sa lugar na noon ay masikip at sikisikan sa pagkuha ng pagkain, kung hindi, ay ang mainit at ma-anghang na dulot ng caldereta na aking talaga namang nagugustuhan.
Ang kaldereta ay isa sa pinaka sikat na lutong bahay sa ating mga pilipino. Ito ay parte na ng mayamang kultura ng ating bansa. Marami nang bersyon ang naimbento, gaya ng kambing na kaldereta imbis na baka . Kalat na rin sa mga karinderya, mga turo-turo at kahit sa mga ready-to-eat foods ang potaheng kaldereta. Pero syempre, wala pa ring tatalo sa lutong bahay. Maraming nagsasabi na ang kaldereta ay mahirap gawin, mahal ang mga sangkap at higit sa lahat, hindi nakakabuting kainin para sa kalusugan. Pero para sa akin, hindi naman kailangang araw-arawin ang kaldereta. Mas masasabik ka pa nga kung hindi madalas ang pagkain mo nito.May mga taglay din itong mga sangkap na mainam sa kalusugan. Naroon na ang pangunahing sangkap, ang baka. Ayon sa mga mananaliksik, ang baka ay nagbibigay ng protina na kailangan ng isang tao para maging malakas. Nagbibigay din ito ng zinc na tumutulong maiwasan ang pagkasira ng mga red blood vessels na kinakailangan din sa ating immune system. Naroon din ang patatas na may taglay na fiber na tumutulong linisin ang digestive system, partikular na ang intestines, may taglay din itong potassium na tumutulong sa pagpapatakbo ng regular ng blood pressure at heart function. Ang carrots naman ay may taglay na Vitamin A na tumutulong maiwasan ang paglabo o pagkabulag ng mata, kaya ito ang mainam na kainin upang maiwasan natin ang pagsusuot ng salamin. Mayroon din itong beta-carotene na tumutulong sa pag iwas sa cancer, heart disease at macular degeneration. Suma total, ang kaldereta ay hindi lamang nagbibigay saya sa mga kumakain nito at nagpapasarap sa mga araw araw na lutuin kung hindi ay masustansya at mabuti rin sa katawan.
Kapag kumakain ako ng kaldereta ay hindi ko lang basta nararamdaman ang sarap, ang humahagod na anghang na umaabot sa aking lalamunan o di kaya ang kay lambot at kaysarap na pagkagat sa baka. Naalala ko ang masasayang oras kasama ang pamilya. Ang mga sandaling kami ay buong magkakasama, walang inaalala kung hindi mag isa pang ulit o second round sa pagkain, ang pakikipag harutan sa mga pinsan na napaka kulit pero napaka sayang kasama. At ang pakikipag usap sa mga tito at tita na ngayon lang ulit nakasama. Ang kaldereta ay isang simbolo ng masaya at magadang samahan ng pamilyang pilipino. Iba-iba man ang paraan ng pagluto nito, iba-iba mang bersyon ang naimbento, pero kahit ano pa man, isa sa mga mahahalagang bagay na naibibigay ng pagkain ng kaldereta o ano mang lutong bahay, ay ang pagkakaroon ng sama-sama, ng saya at pagmamahal sa isa't isa.
wow! parang gusto ko na tuloy ng kaldereta. :)
ReplyDeletewala talagang mas sasarap sa lutong bahay.:))
ReplyDeleteNaglalaway tuloy ako sa kaldereta ngayon, napakadescriptive ng iyong blog. :)
ReplyDeletesa pagkahaba haba ng iyong pinost na blog about kaldereta akala ko nakakatamad itong basahin ngunit akin parin itong binasa pero wow!!! habang nagbabasa ako bigla akong natakam at gustong kumain ng kaldereta!!! :)
ReplyDeletehmm haba ng content:) galing~ sa mga fil foods, masasabi ko na msarap nga talaga ang kaldereta:)
ReplyDeleteIba talaga pag lutong bahay, mas masarap.:)
ReplyDeletewow kaldereta!!!isa rin yan sa favorite ko ... lalo na pag si mommy ang nagluto :)
ReplyDeleteIsa rin yan sa mga paborito kong lutong bahay :D
ReplyDeletewow! gusto ko na talagang umuwi samin para makakain ako ng kaldereta! :DD
ReplyDeleteNays. natawa ako. Parang parehas tayo ng panguna ng sanaysay! :))lol. Galeng. Parang gusto ko tuloy i-try kumain ng Kaldereta. :)
ReplyDeletenakakatakam naman yan! masarap talga pag lutong bahay! :)
ReplyDeleteanu ba yan. nakakapaglaway :) paborito ko din yan. lalo kapag gawa ng nanay :)
ReplyDeletenakakagutom nman! :D
ReplyDeleteansarap! hehe ..masarap magluto ang mommy ko ng mga lutong bahay! :))
ReplyDeletewow ansarap talaga!isa sa mga paborito kong ulam ang kaldereta..lalo na ang beef caldereta na may kasamang kanin..hmmm.
ReplyDeleteisa ito sa aking mga paboritong ulam! sarap! :)
ReplyDeleteSARAAAAP! Gusto ko rin yan! :)))
ReplyDeletewawwwwwwwwwwww, nakakagutom naman!!, hahaha, picture palang mukhangmasarap na.
ReplyDeleteNakaka-dalawang platong kanin ako kapag yan ang ulam. :) Napakasarap!
ReplyDeleteisa sa mga paborito kong pinoy foods :D nilalagyan ko ng cheese habang mainit haha
ReplyDeleteSarap nito lalo sa mga fiestahan. :P :))
ReplyDeletetalumpati? :))) joke.
ReplyDeleteMasarap 'to!! madalas 'to niluluto dito sa bahay :D
iba na talaga ang dating ng kaldereta!:))- julienne toh bkit si roan andto?
ReplyDelete