Saturday, November 27, 2010

Pasta Alla Carbonara Na Sarili Kong Gawa

Pasta Alla Carbonara
WOW!!!! Ang sarap talaga ng Carbonara. Sa lahat ng uri ng lutong pasta, ito ang pinakagusto ko! Kahit siguro araw-araw ay maaari na akong mabuhay na Carbonara lamang ang aking kinakain. Makarinig o makakita pa lamang ako ng Carbonara, ako'y na-e-excite ng malasahan itong muli. Simula yata highschool ay ito na ang pinakapaborito ko sa lahat ng aking paboritong pagkain.

            Ito ay napakadali lamang lutuin! Ang mga sangkap na kakailanganin mo ay cream, linguine pasta o spaghetti, diced bacon, egg yolks, ginadgad na kesong Parmesan, kosher salt, pamintang durog, chopped parsley, at iba pang mga seasonings. Maaari rin namang magdagdag pa ng mushroom at iba pang gulay kung nanaisin. Sa aking recipe, nilalagyan ko pa ito ng ham kahit may bacon na dahil ako’y mahilig talaga sa karne. Ito ay mabibili sa kahit saang restawrant sa buong mundo. Pati sa mga mumurahing kainan ay mayroon na ring Carbonara. Kung kaya’t saan man ako magpunta ay hindi ako nalulungkot na wala akong matatagpuan na Carbonara roon.

            Higit sa lahat, ito ay nakapagbibigay ng carbohydrates sa ating katawan dahil sa cream na gawa sa gatas. Mayroon din itong protein na nagmumula sa karneng kasama sa recipe nito. Ang dalawang nutrients na iyon ay talaga namang kailangan ng ating katawan upang magkaroon ng lakas sa pang-araw-araw na mga gawain. Kakaibang karanasan ang naidudulot ng Carbonara sa akin tuwing ito'y aking kinakain. Ako'y sobrang nagagalak at mas inspired gawin ang aking mga tasks sa buong araw. Ako ay mas lumalakas at nagiging masayahin.


- Jodie Claire Rosales
          
           

20 comments:

  1. Ang sarap naman! At ikaw pala ay marunong magluto ng carbonara. Sana minsa'y matikman ko ang iyong luto. Pagbutihin mo. :)

    ReplyDelete
  2. wow sarap naman! gusto ko rin nito ... nice choice jodie :))

    ReplyDelete
  3. Napakahusay ng mga pagkakadetalye! :) nakaktakam! at dahil mlapit na aking birthday! ALAM NA! :)) Magaling, nice blog! :*

    ReplyDelete
  4. isa din fave ko ang carbora when it comes to pastaa!!! YUMMY! Lutuan mo kami nextime, haha joke:) nice!:)

    ReplyDelete
  5. Isa rin yan sa aking mga paborito. Pakiramdam ko'y bumabalik ang aking nakalipas kapag kumakain ako ng carbonara.

    ReplyDelete
  6. Sarap naman nyan Jodie.. patikim ng luto mo!! :)

    ReplyDelete
  7. Wow! Sariling gawa. :) Galing mo naman nay. :)))) Mukang msarap pa! patikim kami. Isa rin ito sa aking paborito. :)))) - Jeli

    ReplyDelete
  8. yum..!!gusto ko din yan,paturo magluto:))

    ReplyDelete
  9. WOW! :) Napakatalentado mo tlga Jodie! :) Nais kong matikman ito! :D

    ReplyDelete
  10. wow! carbonara! all time favorite ko din yan. gusto ko din matuto magluto nyan... hahaha nice work! keep it up!

    ReplyDelete
  11. ISA SA MGA GUSTONG GUSTO KONG LUTUIN SA BAHAY!!!!!! Kelangan makuha ko yung recipe ng Red Box sa carbonara nila!!!! haha :)

    ReplyDelete
  12. hi babe. i also love carbonara. basta italaian food. magkakasundo tayo nyan. :)

    ReplyDelete
  13. wow marunong ka magluto ng carbonara :D ansarapsarap niyan favorite pasta ko :9

    ReplyDelete
  14. Jodie ang galing mo. I wanna try your Carbonara. Favorite ko to e. :( HAHA!

    ReplyDelete
  15. wow. nais ko ding tikma ang iyong carbonara >.<

    ReplyDelete
  16. Ang lalim ng tagalog ng mga reply niyo :))




    jodie! dala ka sa school!

    ReplyDelete
  17. carbonaraaa! favorite ko din. samahan mo pa ng garlic bread. THE BEST! :)

    ReplyDelete