Saturday, November 20, 2010

Hawaiian Pizza :)


HAWAIIAN PIZZA,pagpigil sa iyong takam ay di uubra!


                    
             Ayon nga kay Bob Ong “ Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba" .Ganitong ganito ang pakiramdam ko tuwing kumakain ako ng pizza,lalo na ang paborito kong “Hawaiian Pizza”. Talaga namang malalasap mo ang natutunaw na keso, ang makatas na pinya, maanghang na sauce, masarap na bacon,at ang pinakahuli kong kinakain sa lahat …ang mainit-init na crust.

             Hindi mawawala ang pizza sa maraming okasyon  sa aking buhay. Ito ay tila naging parte na talaga ng eating habits ko. Kaya ko nga siya favorite. Minsan naman sinasadya ko pa itong bilhin kapag talagang gusto ko. Naaalala ko,tuwing Pasko,New Year ,Birthday o blowout ay hindi mawawala ang pizza. Kasabay ko pa nga ito lagi maging sa tawanan, sayawan o sa kantahan. Tuwing tinatanong ako ng mama ko kung ano ang gusto kong ipabili, ito agad ang sinasabi ko. Masarap kumain lalo na pag may kasama, at nakikipagkwentuhan.
           Nagustuhan ko din ito dahil sa masarap na lasa at sa magandang dulot  ng mga sangkap nito. Una ang tomato paste, malakas ito na panlaban sa cancer. Kasama din ang pinya at bell pepper na pinagmumulan ng vitamins. Ang paborito kong cheese na isang carbohydrate, para naman sa enerhiya. Huli sa lahat ang ham o bacon na mayaman sa protein at sodium. Di ba madaming sustansya ang pizza. Madalas kaming bumibili nito sa Pizza Hut o Shakey’s. Marami silang branches, sigurado akong natikman nyo na rin ito, pero kung hindi pa, dapat lang na tikman  niyo na ang katakam takam na Hawaiian Pizza.:))
Ibang-iba ang feeling  tuwing kumakain ako nito,nagpa-paganda ito ng mood ko ,para bang di ko napapansin ang oras at ang mga kasama ko. Masarap itong sabayan ng napakalamig na soda o pineapple juice. Talagang nakakabusog at nakakaenjoy pa.
-Sandra Tabilisima-

19 comments:

  1. waa super sarap!!! kkagutom nman nyan:))

    ReplyDelete
  2. PIZZA!!!! Hindi mawawala sa lahat ng birthdays at celebrations. Mas gusto ko nga lang ang Meat Lovers kesa sa Hawaiian. Mas maraming toppings masa masaya!!! :D
    ~pa comment din sa entry. thanks.

    ReplyDelete
  3. hmm...sabi mo magcomment eh...ehdi cge..hahaha..:))

    -tingin ko hindi appropriate yung quote ni Bob Ong sa unahan...panu kung hindi mo nga binitawan ang hawaiian pizza..eh kung makikita mo ring hawak ng iba..kasi di lang naman ikaw ang meron nun...pwede rin sila bumili (which is i think yun ang pinopromote mo)

    -hmm...cheese is also a good source of calcium i think...pero yun lang, ang bad side, mayaman sa sodium ang bacon at ham na masama pag nasobrahan..(pag nasobrahan lang naman)

    -dapat sinabi mo rin kung anong kaibahan ng hawaiian flavor sa iba para angat siya, special effect kung baga...

    -maganda ang background..:P

    ReplyDelete
  4. Masarap talaga ang Pizza, Kinahihiligan ko na din to, for the past months, nakakagutom naman to. Haha. Magaling :))

    ReplyDelete
  5. Parang naamoy ko ung pizza? haha :P nice blog :) masustansya ang nilalaman. :)

    ReplyDelete
  6. WOW. Favorite ko yan! Nice Sandee. :-bd

    ReplyDelete
  7. WOW ang sarap ng pizza! nag crave tuloy ako ng wala sa oras.

    ReplyDelete
  8. oh pag sinabe nga namang pizza .. sinu ba naman hindi tatanggi :))

    ReplyDelete
  9. kahit nakakasawa na minsan ang hawaiian pizza.,. gusto ko parin ng pizza ahaha XD

    ReplyDelete
  10. Dahil sa blog na ito, parang gusto ko na rin tuloy subukan ang pizza na may HOT SAUCE. Saraaaap! :)

    ReplyDelete
  11. masarap nga ang hawaiian pizza kaso puno ng calories eh. :))

    ReplyDelete
  12. wew,, paborito ko din yan.. hehehe.. libre mo naman ako nyan!

    ReplyDelete
  13. mahilig din ako sa pizza. basta italian food. haaaay. naaalala ko tuloy ang pizza hut. love this sis.

    ReplyDelete
  14. sarap neto ><
    isa ito sa mga unang nakain kong pizza

    ReplyDelete
  15. nako pizza! napakasarap :D ansarap ng piña at ham na ipinaghalo sa pizza, macheese pa :D

    ReplyDelete
  16. sarap naman!siguro maganda rin itong samahan ng kanin.saraaaaaaaaaaaap.

    ReplyDelete
  17. PIZZAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA >:) blow out blow out! yumyumyum!

    ReplyDelete
  18. THANK YOU SA LAHAT NG NAG COMMENT:)))
    LOVE YOU ALL^_^muah

    ReplyDelete