-Janyn Erika Uy, CTHM-1T3
Noong agosto,ang isa sa aking mga kaibigan ay tutungong bansang tsina upang doon na mag-aral. Ang aking mga kaibigan noong hayskul pati rin ako ay nagplano ng isang get-together upang magpa-despedida sakanya upang kahit sa kanyang pag-alis ay kami’y kanyang maaalala. Noong una, hindi naming alam kung saan nga ba ito magaganap o ano ang maaaring gawin, hanggang sa Mall of Asia o MOA na lamang ang napagpasyahan. Ngunit, bukod sa despedida niya, kami ang klase na magakakaibigang walang hinto sa pagkwento. Wala pa kami roon ay binging bingi na ako sa dami ng kwento, nag-uunahan at nagsasapawan pa para maibahagi ang sari-sariling karanasan sa kolehiyo. Mayroong mga kwentong masaya, pagkasabik, pagka-tense, pagkatakot sa mga terror na prof hanggang sa mga kalokohan na gingawa sa kapwa nilang blockmates. Oo, kami ay nagkwentuhan ng want-to-sawa, pero hindi lang naman iyon ang aming ginawa, dapat kami ay mag-iice skating ngunit karamihan ang tumanggi dahil sa ilang beses na rin naming ito nagawa at hanggang ngayon wala pa rin itong progreso at palagi pa ring nakakapit sa katabi o na sa gilid lamang. Kaya nagpasya na lamang kaming kumain na ng tanghalian bago mag-isip ano ang pwedeng gawin. Pagkatapos kumain, kami ay nag-window shopping/shopping, nagpaka-vain at kuha ng kuha ng mga letrato at kumain ulit dulot ng pagod kakaikot. Kami ay nag-merienda sa Red Mango. Bagamat nakikita ko na ito dati, iyon palang ang unang beses na natikman ko iyon.
Ang pananaw ko kasi dati sa yogurt ay maasim at mahal para pa ito pa ay pagkagastusan. Ngunit ang pananaw kong iyon ay nagbago sa sandaling pagkadikit na pagkadikit pa lamang ng Red Mango yogurt na may blueberry at cheesecake na toppings sa aking dila (taste buds). Sabi nga nila ang yogurt ay matuturing na isang healthy food. Wala itong kahit anong unhealthy additives gaya ng mga artificial ingredients. Ito’y mayroong Calcium, Protein, at bukod pa doon, ito’y 100% non-fat. Ang yogurt nila ay gawa sa Pasteurized and Cultured Skim Milk, Natural Sugar, Nonfat Dry Milk, Natural Flavors, Sodium Citrate, Potassium Citrate, Citric Acid, Guar Gum, Food Starch, Carrageenan, at Pectin. Natikman ko rin dito ang sulit na sulit na waffles at smoothies nila.
Bagamat napagod sa kakalakad, at kakadaldal, nadiskubre ko naman ang linamnam ng Red mango yogurt na pwedeng ulit-ulitin ng hindi ako lolobo. At para sa akin, mas masarap ito kung kasama mo ang mga kaibigan mo na may kasamang kwentuhan, asaran at halakhak. At Maraming salamat saaking mga kaibigan at nabura ang maling paghusga ko sa mga yogurt.
Nice blog! :) Napaka-informative ng mga nakasulat dito. Ito ang pagkaing bagay sa akin at pupukaw ng aking panlasa. Masarap na, healthy pa!
ReplyDeleteWow! Aking na lang yan. :* Ahaha. :D
ReplyDeleteyummy!! fave ko din red mango pag sa yogurt!!~~
ReplyDeleteCool!!! :D
ReplyDeletetunay na masarap nga naman ang yogurt... makakabuti pa sa ating katawan :D
Ansaraaaaaap naman. :))
ReplyDeleteNice blog. It is quite informative and makes me hungry :P
ReplyDeleteWow, masarap nga ang frozen yogurt. Pareho tayo ng pananaw sa yogurt noon, na binago ng pagkaing ito. magaling :)
ReplyDeleteHindi ko pa natitikman ang sa Red Mango. Sa White Hat pa lang. Pero siguro nanaman magugustuhan ko. Maraming nagsasabi masarap daw kasi sa Red Mango :D
ReplyDeletei've never tasted any kind of frozen yogurt pa in my whole life.. ngunit dahil sa iyong post i'm craving for a yogurt na.. and i also want to taste that yogurt from Red Mango to prove that you are right!!! :)
ReplyDeletesarap!!! masarap talaga yon :))
ReplyDeletemukhang masarap mga yan ah..gusto ko 2loy tikim lht hahaha. :D
ReplyDeletemukang napakasarap naman nyan. :)
ReplyDeleteSobrang healthy talaga ng youghurt na toh at napakasarap pa. :)
ReplyDeleteWow, libre mo kami Janyn:D
ReplyDeletedi ko pa to natatry pero pag nag MOA ako hahagilapin ko ang red mango :D
ReplyDeletenakakatakam namn! msarap tlga ang yogurt, healthy pa! :)
ReplyDeleteyey. :))) kelan lang ay kumain tayo nito :)
ReplyDeleteRED MANGO! =P~ nice blog. may kwento pa about friends. sayang lang wala ako nun 1st time mo natikman. :| ayun. informative nga ang blog mo. nag ccrave na tuloy ako sa yogurt! :)) -marielle <3
ReplyDeletesarap with asim :D
ReplyDeleteRed Mangoooo! ♥
ReplyDeleteRed mango din! <3 favorite ko blueberry with strawberry and kiwi :D
ReplyDelete