Friday, November 19, 2010

"Feels Like Heaven sa Chocolate Mousse Cake"



Chocolate Mousse Cake
Donnalyn O. Donor, CTHM-1T3

Chocolate Mousse Cake sa Alfredo’s Steak House, Tomas Morato, Quezon City ay iyong papangarapin! Isa sa aking paboritong pagkain sapagkat isang subo pa lamang, langit sa lupa’y iyong mararamdaman. Pagod ay papawiin at araw ay kokompletuhin. Ito ay panghimagas na dapat orderin kung gusto mong makatikim ng kakaibang tamis at sarap matapos kumain ng kanin at karne. Ito ang pagkaing iyong babalik-balikan sa restawran.

                Ito ay kinatatampukan ng butter, chocolate ice cream, asukal, flour at marami pang iba. Lahat ng mga sangkap nito ay pumukaw ng aking atensyon. Lalo na ang matamis nitong chocolate ice cream na matitikman sa bawat subo’t kagat. Kahit na ito ay pangkaraniwang chocolate ice cream lamang, iba pa rin ang dating pag ito’y natikman. Sa bawat subo sa bibig, tamis at lamig ng ice cream ay mararamdaman. Ang pagkaing ito ay magbibigay ng enerhiya sa ating katawan maging sa ating utak sa pamamagitan ng glucose na makukuha. Dapat ding balanse ang pagkain nito dahil mayroon ding negatibong dulot sa pagkain ng sobra tulad ng obesity at diabetes.

                Ako at ang aking kagrupo’y napunta sa Alfredo’s Steak House sapagkat mayroon kaming proyekto sa HRM. Nandoon kami upang mag-interbyu at tingnan ang iba’t ibang parte ng restawran. Hindi namin alam ang eksaktong lugar kung saan ito matatagpuan kaya may pagkakataong kami’y naglakad ng napakahaba. Napagod at nabasa sa ulan. Subalit, simula ng natikman ko ang Chocolate Mousse Cake ng nasabing restawran, napawi lahat ang aking pagod sa kakalakad ng matagal-tagal. Nawala din ang aking pagkainis at nagkaroon kami ng masaya at maayos na interbyu. Aking naisip na hindi matatapos ang aking araw ng malungkot o galit sapagkat nandiyan naman ang Chocolate Mousse Cake upang tapusin ito ng isang masaya at di makakalimutang araw sa aking buhay. 

15 comments:

  1. wow mukhang napakasarap nga ng cake na yan. Ngayon pati tuloy ako nasasabik na makatikim niyan. haha :D

    ReplyDelete
  2. hmm..mukhang ang sarap naman talaga nyang Chocolate mouse cake:)nagutom tuloy ako. Sa picture palang, feels like heaven na nga!E ano pa kaya pag matikman na no Dona? nakakaganda pla ng araw?, yan na nga ata hinahanap ko. Matry nga minsan:)

    ReplyDelete
  3. Wow, gusto ko to uh! Tingin pa lang talagang nakakatakam na eh. Okay siya, sobrang sarap siguro nito :)

    ReplyDelete
  4. wow, sa pag dedescribe dun sa cake, nakakagutom tuloy! gaya ng sabi ng iba, sa picture palang ang sarap sarap na! hahaha

    ReplyDelete
  5. Ito rin ang aking paboritong cake! :) masarap ito rin ito sa red ribbon. Tama! ito'y nakakapawi ng pagod. :)

    ReplyDelete
  6. sa kabila ng kapagod pagod na lakaran, sulit pa rin kasi nakakain tayo ng cake na yan. Kahit medyo bitin.

    ReplyDelete
  7. ito pala iyong itinanong mo sa akin. haii!! nakaka-inggit naman nais ko ring matikaman iyang chocolate mousse na iyong sinasabi!!! :)

    ReplyDelete
  8. nako nahigh talaga ako nito nung natikman ko. haha ako umubos :D napakasarap :D

    ReplyDelete
  9. SARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAP!!! i want!!

    ReplyDelete