Ang aking paboritong pagkain ay ang Pinoy food na SOPAS. Malinamnam ito at masarap kainin kapag mainit pa. Iba talaga kapag lutong Pinoy ang pagkain, hindi maikakaila ang sarap na malalasap. Hindi nakakasawa at napakasarap pa. Tunay ngang matakaw ang mga Pinoy dahil sa masasarap nitong mga pagkain.
May mga masustansya itong sangkap gaya ng gatas, manok, repolyo, hotdog, carrots, margarine, noodles, bawang at sibuyas. Maaari rin itong dagdagan ng iba pang lahok depende sa luto tulad ng itlog at iba pa. Cornbeef ang pwedeng ipalit sa lahok na manok. Mas masarap ito kapag madaming gatas.Nakakabusog ito at may kalusugang maidudulot sa katawan, halimbawa ay ang makukuhang protina at enerhiya sa karne, carbohydrates sa mga noodle at calcium sa gatas na nakapagpapatibay ng mga buto. Maaari itong mabili sa mga naglalako, sa palengke, karinderya, restawran, fast food chain at kadalasang matitikman ito sa ating mga tahanan lalo na kapag may mga okasyon. Mas iba ang sarap at linamnam nito kapag luto sa bahay ng inyong mga nanay. Tama di ba?? Malalasap ninyo ang tamang alat na inyong hinahanap.
Kapag kumakain ako nito ay hindi ko na ito tinitigilan hanggang sa mabusog ako ng sobra yung tipong sasabog na ang tiyan ko. At tuwing nalalasap ko ang sarap ng sopas ay nakakaramdam ako ng sobrang kasiyahan at pagkakuntento. Hindi mo ako maaawat kapag ito ang pagkain at hindi ako mahihiyang tanggihan ang taong nag aalok sa akin ng sopas. Para bang adik ka na at gusto mong ulit-ulitin ang pagkain nito. Feel na feel ko kapag ako ay kumakain ng sopas, ninanamnam ko ang bawat lasap. Kahit ito ang iulam ko sa kanin ay ayos lang. Hinding hindi ako magsasawa sa sopas lalo na kapag luto ng nanay ko. Kaya namnamin ang sarap ng sopas kapag inyo itong nakain.Kayo ay mabubusog at masisiyahan. SARAP KAYA! TRY NIYO! :)
Maraming Salamat sa pagbabasa!
Sana ay naaliw at nagustuhan ninyo!
by: Pamela Amor N. Macaraig
1T3
masarap lalo na pag mainit pa:))
ReplyDeleteHahaha. Sige try namin :D
ReplyDeletepa try ..
ReplyDeletedi aqoh mahilig dyan eh
.eh mukang msarap sa picture ..
hehehe
masustansya pa ..
masarap pang meryenda! :)
ReplyDeleteMASARAP KUMAIN NG GANITO SA TAGULAN! Tapos kaharap mo yung tv. :)
ReplyDelete~http://cthm1t3.blogspot.com/2010/11/lutong-bahay-paborito-kong-tunay.html
comment back on my post! Thanks! :)
wow.! pam..masarap to lalo na ngayon...lumalamig na ang panahon..:) lalo na sa gabi masarap ipares sa tinapay.. :)
ReplyDeletegustong gusto ko din to :D lalo na pag nilalagyan ng gatas :D
ReplyDeleteMasarap lalo na kapag mainit pa. :) Yung tipong nakakapaso pa ng kaunti. :)
ReplyDeletematagal na akong hindi nakakatikim ng sopas. kaya nang mabasa ko ang iyong blog, parang sabik na sabik akong kumain ng sopas.
ReplyDeleteHmm sarap nito lalo na pag tag lamig! :) At morning breakfast. Hihi. :D
ReplyDeleteOhoy!! masarap 'to!
ReplyDelete