Saturday, November 27, 2010

Ca-ca-ca-CARBONARA! ♥

Carbonara w/ bread. ♥





Ano ba ang sa iyo? Ano ba ang paboritong pagkain mo? Marami sa atin ang may kanya kanyang hilig o pinakapaboritong pagkain sa ating buhay. Pagkain na may natatanging sarap, sangkap, lasa at kasiyahang dulot sa atin. Ako sa sarili ko ay mayroon ding natatanging pagkain na madalas kong kunahuhumalingan. Pagkain na madalas kong hinahanap. At kahit ito ang ipakain mo sa akin sa tatlong beses na pagkain sa isang araw, ay ayos lamang.  Ito ay ang “CARBONARA”.  Nagmula sa salitang “carbone” sa Italy na nangangahulugang charcoal sapagkat naniniwala sila na ang Carbonara ay unang niluto para sa mga charcoal workers. Ewan ko ba, hindi ko mawari kung bakit gustong gusto ko ang pagkain na ito. Charcoal worker na yata ako?! Biro lamang. :))
Maihahalintulad sa Spaghetti, ang Carbonara naman ay gumagamit ng kulay puting sauce. Ginagamitan ito ng pasta at ang mga kasangkapan para sa sauce nito ay ang bawang, egg, black pepper, butter, all purpose cream, evaporated milk, ham, bacon, mushrooms, cheese, at green peas kung nais. Ang kadalasang ginagamit na pasta rito ay fettuccini. Ngunit maari rin namang gamitan ng ordinaryong pasta upang makatipid. Ang klase ng cheese na ginagamit dito, minsan ay ordinary o parmesan.  Ang pagluluto nito ay madali lamang. Pakukuluan ang pasta, igigisa ang bawang para sa sauce, at paghahalu-haluin ang mga natira pang kasangkapan ayon sa pagkakasunodsunod nito. Ang paghahanda naman nito ay ibubuhos mo sa pasta ang nayaring sauce. Manamis namis at tila lasang gatas itong Carbonara kapag naihalo na. Bukod sa pagiging paborito ko ang Carbonara, sa Shakey’s ko naman gustong gusto bumibili nito. Maaari mo ring samahan ng garlic bread ang Carbonara para sa lalong ikakasarap nito. Kadalasan mayroon nito sa  mga restawran na pizza at pasta ang offer gaya na lamang ng Pizza Hut, Napoli’s, Fazoli’s, Sbarro, Italianni’s  at marami pang iba. Kung sa loob naman ng Unibersidad ng Santo Tomas ang usapan ay mayroon nito sa Tomassi, sa ikalawang palapag sa carpark at Pasta Boy naman sa unang palapag.
Nagmula pa sa kultura ng mga Italiano. Hindi lang sa napakasarap at napakalinamanam! Ito rin ay may nutrisyong taglay para sa atin gaya ng carbohydrates na nagpapalakas ng energy, protein para sa muscle development at calcium para sa strong bones and teeth! Madalas ko itong ginagamit na depressant kapag ako ay malungkot at nakararamdam ng problema. Nakakatawang isipin, ano? Ngunit iyon ay totoo. Haha! Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Huwag nang palampasin pa na maranasan ang pagkain nito. Siguradong masisiyahan ka at sulit ang iyong pera kaya dito ka na, sa Carbonara! ;)
                                                   --Sarah Jane Wycoco Tolentino, 1-T3♥

28 comments:

  1. andaming carbonara :D hahaha ansarapsarap naman kasi :D

    ReplyDelete
  2. Marami pala saatin ang may gusto sa carbonara. Isa rin yan sa aking mga paborito. Pakiramdam ko'y bumabalik ang aking nakalipas kapag kumakain ako ng carbonara. :">

    ReplyDelete
  3. AGREE. Kahit eto lang ang kainin sa isang araw okay na okay lang. =))

    ReplyDelete
  4. Ang daming alam, Karla Cristina!!! HAHAHA. =))

    ReplyDelete
  5. Dear

    Ms. Sarah Jane Wycoco Tolentino, nakaktuwa naman
    isip na mahilig ka rin sa carbonara. paborito ko rin ito at hindi nman sa pagmamayabang. Mas masarap ako magluto ng carbonara sa lahat, ito na ang pinaka masarap at ipagluluto kita ng Pinaka masarap na luto kong Carbonara ;)

    ReplyDelete
  6. Dear ,Ms. Sarah Jane Wycoco Tolentino

    Advance Merry Christmas, nakaktuwa naman
    isip na mahilig ka rin sa carbonara. paborito ko rin ito at hindi nman sa pagmamayabang. Mas masarap ako magluto ng carbonara sa lahat, ito na ang pinaka masarap at ipagluluto kita ng Pinaka masarap na luto kong Carbonara ;)

    ReplyDelete
  7. O sige, dadalihin ko na jan para iyong matikman ang pinaka masarap na "carbonara" o gusto mo ipapakita ko sayo ang pagluluto ko nito magandang prinsesa para iyong masaksihan ;)

    ReplyDelete
  8. dati auw ko ng carbonara, pero nung natikman ko na! ang sarap pla! hehe nice one!

    ReplyDelete
  9. Sarap. Dati ay hindi pa ako masyado kumakain nito. Pero nang tumagal ay natutunan ko na rin :)) Mahusay!

    ReplyDelete
  10. Salamat! Try mo siya madalas. :P Hehe.

    ReplyDelete
  11. mm! nakakagutom. talagang napakasarap ng carbonara! :)

    ReplyDelete
  12. mahusay! :) natakam ako, isa din yang carbonara sa paborito kong pagkain! mas ok kaysa spageti. haha buti't snabi mo kng san nabbili yan sa uste atleast alam ko na! yey.
    -korine :P

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. Nakakatakam naman ang carbonara. Hindi ako mahilig sa carbonara pero dahil sayo, willing ako subukan iyan :)

    ReplyDelete
  15. Keep it Up! Good article.
    SARAP. Favorite ko yan. :D

    ReplyDelete
  16. Korine: Hala 5 months na tayo nasa UST ngayon mo lang nadiscover! :P

    Kirstin: Yes naman. Buti nakapagpost ka na ng blog mo. Thanks, love you. :P

    Ira: Thank you! Saraaap talaga! ;)

    ReplyDelete
  17. hehehe,, kala ko yung pesto yung favorite mo,, hehehe,,

    ReplyDelete
  18. by RONERRY TANILON: Napaka informative naaman nito.
    Napaka galing naman ng gumawa nito.

    Ang carbonara ay tunay nga na masarap at masustansya.

    Here you go.

    Nice One Sarah Tolentino. --Go CARBONARA.

    ReplyDelete
  19. woooooow. libre mo ko nito. pasta lover din ako eh. :)

    ReplyDelete
  20. awww. ayaku ng carbonara. hindi ba nakakakakaa.

    ReplyDelete
  21. sarap naman niyan bb! sa tuesday lets?:))

    ReplyDelete
  22. Our all time favorite of course! =))) i miss you baby.

    ReplyDelete