Lahat tayo may kanya kanyang gustong pagkain bilang panghimagas. Marahil ang iba gusto ng ice cream, cake, mousse o ano mang matamis pang pagkain diyan bilang panghimagas, kumakain din naman ako ng mga pagkaing ito ngunit ang pinakapaborito kong panghimagas talaga sa lahat ay ang leche flan.
Bata pa lamang ako eh mahilig na talaga ako sa leche flan, ito ay gawa sa pinaghalo halong pula ng itlog, condensed milk, evaporated milk, at samahan pa ng matamis na layer pa ng caramel sa ibabaw nito, pero sa lahat ng leche flan na natikman ko pinakapaborito ko ang leche flan na gawa ng lola ko. Para sa akin lubhang kakaiba talaga ang leche flan na gawa ng lola ko, sa bawat subo ko nito para bang dinadala ako sa langit ng tamis na lasang ibinibigay nito sa akin. Sa aming pamilya talaga nga namang hinahanap lagi ang lasa ng leche flan na gawa ng lola ko, di lamang ako maging ang iba kong kamag-anak ay talaga nga naman nasasarapan sa leche flan na ito. Naaalala ko pa noong ako ay hayskul pa lamang nagkaroon kami ng proyekto na gumawa ng isang pagkain at napag-isipan naming leche flan ang aming gawin at sinabi ko na magpagawa na lamang kami sa lola ko dahil naniniwala ako na masarap talagang gumawa ang lola ko at hindi ko sila binigo dahil ng amin na itong dinala sa aming paaralan nasarapan nga naman ang aming mga gurong pinatikim namin nito at pinagkaguluhan pa namin ang isang lyanerang natira sa amin. Maging ang mga ka-opisina ng akin lola noon ay sa kanya nagpapagawa ng leche flan magpasahanggang ngayon.
Talaga nga namang masarap ang leche flan, maganda pa rito ay dahil nagbibigay din ito ng enerhiya sa ating katawan ngunit atin ding tandaan na ang lahat ng sobra ay masama, kapag sobra ang pagkain natin nito ay masama ang maaring idulot nito maari tayong tumaba at magkadiabetes. Kaya naman sa lahat ng pagkaing ating kinakain maghinay-hinay lamang tayo nang ma-enjoy natin ang ating pagkain at mas humaba ang ating buhay!!!! J
-Aiden Maccrea Hernandez Basa
CTHM-1T3
Isa ito sa aking mga paborito noong ako'y bata! Matamis! Napakaayos ng pagkakagawa. :)
ReplyDeletemasarap nga ito. pero hindi dapat inaaraw araw dahil magkakasakit! :P
ReplyDelete~pa comment din nung akin. salamat.
wow...onga tamis nitong leche flan...!! :)
ReplyDeletesarap nga nito. ^^ pwedeng pahingi nmn ng gawa ng lola mo. ^^
ReplyDeleteang leche flan ay isa sa pinakapaborito kong panghimagas!!! :)
ReplyDeletenakakapanglaway ang blog mo.. xD
penge nmn ng sample ng leche flan made by ur lola ^^
magdala ka naman ng sample para matry din namin :)) (",)
ReplyDeletesarap:)dala ka ha:)
ReplyDeletei love leche flan din!!:) super yum!!!:)
ReplyDeleteoo tama! Ikaw ay magdala ng leche flan at ating kainin! :D
ReplyDeletetama ka! masarap talaga ang leche flan :)
ReplyDeleteTotally Awesome! HAHAHA! Tunay na masarap nga yan talaga :D
ReplyDeleteAng sarap naman neto! <3 Mamahagi ka naman sa klase, minsan. HAHAHA. :)
ReplyDeletenamiss ko tuloy ang pagkain ng leche flan :(
ReplyDeleteansarap nito grabe, pero ung nasa ilalim lang ginagalaw ko hindi ung sa ibabaw. haha
ReplyDeleteSarap nito lalo na sa fiestahan! :P
ReplyDeleteLECHE ANG SARAP!!
ReplyDeletenaman.. nakakatakam...
ReplyDelete