Sunday, November 21, 2010
LASAGNA, LASAGNA, PARA SA'KIN KA! :))
LASAGNA, OH LASAGNA! Kapag naririnig ko ang salitang iyan ay talaga namang natutunaw ako at naglalaway ang bibig ko kahit pa hindi nakikita ng aking mga mata ay alam ng diwa ko kung gaano ko kinanabaliwan ang pagkaing ito. Mangyari ay nagmula ito sa Italya, at hindi mapagkakaila na mahilig rin ako sa mga Italian cuisine. Ang salitang lasagna ay nangangahulugang "kalan o stand para sa isang palayok". Gayunpaman, ang lasagnang aking pinagnanasaan ay gawang Pinoy sapagkat ang aking Auntie Suning lamang ang may kakayahang magluto ng lasagnang umaapaw sa sarap. Para sa akin ay ito na talaga ang pinakamasarap na putahe sa balat at laman ng lupa. Tandang-tanda ko pa ang unang beses na pagdampi nito sa aking mga labi at dila ay napapikit na ako sa sobrang linamnam at halos hindi na maimulat ang aking mga mata dahil sa panggigil na nadarama. Naaalala ko pa ang unang kagat at talsikan ng sauce sa loob ng aking bibig na nagpatalon sa aking puso sa nadaramang kilig dahil sa tamis at linamnam nito. Ang unang paglunok sa mga namumuong keso, durug-durog na karne at malambot na pasta ay talaga namang naging dahilan upang ako ay makalimot sa aking pangalan. Walang sinuman ang makapagpapaalala sa akin nito hangga't hindi ko nasisimot ang lasagna sa aking plato.
Ang lasagnang aking kinagigiliwan at kinababaliwan ay hindi mabibili o matatagpuan saanman. Ito ay lutong-bahay ng aking pinakamamahal na tiya na talaga namang pinaghuhusayan ang bawat paghiwa sa mga sangkap, pinagbubuti ang pagpatong-patong sa mga pasta upang maging siksik at pinasasarap ang bawat buhos ng sauce upang maging katakam-takam. Ang resiping ito ay binubuo lamang ng mga sangkap na matatagpuan sa grocerie at maging sa palengke upang makamura. Nariyan ang malinamnam na Catelli pasta na siyang nagsisilbing katawan at pangunahing sangkap; giniling na karne para sa nakabubusog na paglasap; malabnaw na gatas na siyang nagbibigay ng matamis at nakakatuksong lasa; dairy creme butter na nagpapalinamnam sa bawat pagnguya; bawang, sibuyas, tomato sauce, olive oil na nagpapadagdag sa lasa upang maging katakam-takam at talaga namang babalik-balikan. At para naman sa desayn na nagpapahumaling sa mga tao ay ang chopped fresh parsley.
Aba siyempre papayag ba 'ko na walang sustansya ang mga kakainin ko? Halata naman sa katawan ko na kumakain ako ng mga masusustansyang pagkain, kaya naman ang lasagna ko ay nagbibigay sa akin ng carbohydrates na kailangan para sa metabolism ng ating katawan at nagbibigay ng sapat na enerhiya na tulad ng pagkain ng lasagna, habang tumatagal ay lalo akong lumalakas dahil sa sarap na aking natitikman. Ang fats, isang mahalaga sa buhay sa pagpapanatili ng malusog na balat at buhok, insulating organo ng katawan laban sa pagkabigla, pagpapanatili ng katawan temperatura, at pagtataguyod ng malusog na cell function na tulad ng lasagna, ito'y isang mahalagang pagkain na gumagamot sa iyo kapag ika'y nalulungkot o nagugulat sa mga bagay-bagay, tikman mo lamang ito at tiyak mas magugulat ka sa sobrang sarap. Ito rin ay nagbibigay protina na ginagamit sa paglago at pagkumpuni, gayon din ang pagpapatibay ng mga buto na tulad ng lasagna na nagpapatibay sa samahan ng aming pamilya habang magkakasalo kami sa hapag-kainan pati na rin ang aking mga kaibigan habang nagpapakatimawa kami dahil sa pag-aagawan tuwing aking kaarawan at marami pang iba.
Marami ng masasayang pangyayari ang naidulot sa aking ng lasagna, maraming mga hindi malilimutang samahan ang nabuo dahil sa pagkain ng lasagna. Nariyan ang masayang Pasko at ordinaryong tanghalian o miryenda kasama ang buong pamilya na walang humpay ang tawanan at pagsasabi ng "uhmmm sarap" habang pinagpipyestahan ang lasagna. Nariyan ang agawan sa lasagna kapag dinadala ko sa eskwelahan at talaga naman hayok na hayok ang aking mga kaibigan na kung pwede lamang ay kamayin na nila ito para lamang makatikim. Nariyan ang mga kapitbahay naming walang humpay sa pasasalamat kapag pinadadalhan namin sila ng aming lasagna. At higit sa lahat tuwing aking kaarawan, ang lahat ng mga taong mahahalaga sa akin ay kasama ko sa pagkain ng pinakapaborito kong lasagna at kung minsan pa ay sinasakripisyo ko ang pinakahuling parte ko para sa mga taong hindi pa nakaktikim nito at nawa'y madarama din nila ang ligaya na aking tinatamasa sa tuwing kakainn ako ng lasagna.
Maraming salamat sa iyong intensibong pagbabasa, nawa'y nahawaan kita sa aking pagnanasa sa aking lasagna. :)
-MA. CHRIZEL C. ALBESA, 1T3.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
talagang masarap ito lalo na pag maraming cheese :) apir tayo dyan sis! :)))
ReplyDeletenakakatuwa, dahil mahilig rin ako sa lasagna. at salamat dahil kapag may pagkakataon ay dinadalhan mu kami nito. sadyang napakasarap nga ng pagkaing ito. napakagandang blog ang iyong nagawa, keep it up. :))
ReplyDeleteWow. Nakakatakam naman! Favorite ko yan! :-bd
ReplyDeleteLASAGNA LASAGNA. CHRIZEL BDAY. LASAGNA LASAGNA. 'Yang mga tawag na yan. Isang masterpiece. Pagkatapos ng Happy Birthday Chrizel. Tanggalin mo lang lingon mo in 0.000001 sec, Wala na ang Lasagna, naglaho na. Nilinamnam na ng bawat bisita. Siksik sa keso at sarap. Punong-puno ng linamnam, tamis at kaaya-ayang amoy. Go Mimi :))
ReplyDeleteLubos akong napahangan sa aking mga nabasa, para bang ubod talaga ng sarap ang lasagna ni Auntie Suning :)) sadyang napaka taba din ng utak ng gumawa nito, sana may mga susunod pang blog. keep it up :)
ReplyDeleteTikman ng Masarapan . :D
ReplyDeleteUna kung natikman ang sarap nitong munting lasagna ni chrizel na parang na sa langit ang dating nung kanyang na tatanging kaarawan . :D haha . hindi mo ito matatangihan dahil sa nakakaakit nitong amoy . :)) kaya't hindi mo matitiis na hindi subukan .kayat try mo na ang mimi's lasagna . :P haha .
~Daryl . :P haha
Lasagna lasagna. Bakit mahirap kang gawin? I be-bake pa kasi ito pero kahit ano pa man masarap talaga. Its the besssst!
ReplyDelete~comment back on my post. Kaldereta. Thanks! :)
hmmm.. lasagna, masarap yan. ang galing mong gumawa ng sanaysay.. :D keep it up.. naguguton tuloy ako.
ReplyDeletewow lasagna. paborito kong orderin ito sa greenwich o kata sa red ribbon. masarap ito lalo na kung may kasamang garlic bread. nakakapaglaway naman! :)
ReplyDeletesarap..:)
ReplyDeletesis..nakakagutom!
so masarap!!!! ^_^
ReplyDeletelasagna - kinain namin ni calvin sa first date namin kaya napakasentimental ng pagkaing ito para sa akin. :")
ReplyDeletesalamat sa pagpost nito, nagustom na naman ako! :))
2nd favorite pasta ko. haha napakasarap lalo na pag maraming cheese, umaapaw sa cheese :D
ReplyDeleteNakakatakam talaga ang lasanga, lalo na kung maraming cheese sa ibabaw. Samahan pa ng panulak tulad ng iced tea. :D
ReplyDeleteWee. Sarap talaga ng mga pasta! Yumm yumm! =P~
ReplyDeleteANG SARAAAAAAP! At talaga namang natutunaw ka at naglalaway na kapag naririnig mo ang LASAGNA. Ako nama'y sa Carbonara naglalaway :D
ReplyDeleteAng saraaaap ng lasagna mo! Peroo di kita nkikitang kumakain nito. haha! :)) -Shae.
ReplyDeleteLASAGNAAAAAAAAAAA!! garfield :D saraaaaaaaaaaaap!
ReplyDelete