Friday, November 26, 2010

Ang walang katapusang Icecream


Karaniwan na sa mga Pilipino ang mahilig sa pagkain ng malalamig,
dahil na rin sa ang Pilipinas ay isang mainit na bansa. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit
madaming pagkain sa malamig sa katawan ang nagsusulputan sa Pilipinas.
Isa na dito ang Icecream o ang sorbetes, hindi ko alam kung bakit ba simula pa nung
bata ako ay mahilig na kong kumain ni icecream.

Noong ako ay maliit pa lang madinig ko pa lang ang tunog ng maliit na tililing
ni mamang sorbetero ay napapalabas ako agad ng bahay
at kung siya naman ay nakalagpas na, hahabulin at hahabulin ko pa din siya.
Sa lugar namin sa Bulacan, isa ang tito ko sa mga may ari ng pagawaan ng icecream,
kaya naman kapag ala akong pasok ay magsusupot agad ako ng aking damit
ng pang isang araw at pupunta na sa kanila, dahil alam ko na gatabong  icecream
kagad ang ibibigay nila sakin sa aking pagpunta.

Noong naghighschool naman ako ay madalas padin ako bumili ng icecream paglabas
na paglabas ko ng eskwela. Minsan nga kapag break ay icecream padin ang hinahanap hanap ko.
at nung nagcollege naman ako ay naging suki ako ng mini-stop at saka ng Mcdo.

Ang icecream ay sadyang matamis at malinamnam sa dami ng flavor na iyong pagpipilian ay tiyak
na hindi ka magsasawa.Hindi na lang maituturing ang icecream na basta pampalamig dahil maraming sustansya ang makukuha sa dito tulad na lamang ng Calcium, Carbohydrates, Protein, Fats at iba pa. Nakakatulong din daw ito sa na pampalubag loob sa mga taong nalulungkot at naiistress.


Iba't ibang klaseng icecream na ang naglalabasan sa merkado tulad na lamang ng fried icecream. ice cream
na may ginto, ice cream na ipinapalaman sa tinapay o sa cookies, ice cream cake, at marami na ring flavor ang naidagdag sa listahan. Ngunit kahit ano pa man siya ay di parin magbabago ang kahiligan ko sa icecream dahil ibang pakiramadam ang dumadapo sakin
kapag nakakatikim ako nito.

8 comments:

  1. hmmm ice cream! sarap! gusto na ice cream! hahahha nice job keep it up :D

    ReplyDelete
  2. sarap naman nyan Jul!!:) Haham picture palang super kkagutom na super!!:) cookies and cream<3

    ReplyDelete
  3. Maganda ang pagkakayari ng komposisyon. Ipagpatuloy.

    ReplyDelete
  4. Paborito ko rin ang ice cream!!! Ibang kasiyahan ang dulot ng pagkain na iyan. Natutuwa ako't iyan din pala ang iyong paborito. :)

    ReplyDelete
  5. Isa rin yan sa mga paborito ko. Masarap ipalaman sa tinapay. :D

    ReplyDelete
  6. dirty ice cream o ice cream na may tatak, masarap pa rin :D favorite ko vanilla :D

    ReplyDelete