Saturday, November 27, 2010

Baked Macaroni, talaga namang yummy!







   Pasta. Isang pagkain na pang-alternatibo sa kanin. Maramiing uri ng mga pasta. May Spaghetti, may Carbonara, Seafood pasta, Lasagna, at iba pa. Ikaw, ano ba ang paborito mong pasta?


  "Baked Mcaroni" talaga namang tunog palang, nakakatakam na! Hindi ba? Ewan ko ba kung bakit sa dinamirami ng mga lutong pasta ay eto ang aking pinakanagustuhan. Bagamat pamilyar ang baked Macaroni, ang lasa naman nito ay hindi mapapantayan ng ibang pang mga lutong pasta.

     Tila humihinto ang oras. Para bang ako'y nasa langit at nakakaramdam ako ng kakaibang ginhawa at tuwa kapag ako'y kumakain ng Baked Macaroni. Damang-dama ko ang nanunuyot na keso sa ibabaw nito at ang mainit-init na pasta sa bawat pag-nguya ko. 
   Ang Baked Macaroni ay ginagamitan ng iba't ibang sangkap sa pagluluto. Mayroon itong butter, olive oil, beef, maliliit na ham at bacon, pati na rin salami at pepperoni, mushroom, bawang, sibuyas, at keso. Maari mo din itong dagdagan pa ng iba upang mas pasarapin ang lasa. Bukod sa malinamnam na lasa at sangkap nito, maraming bagay ang nabibigay nito sa ating ating kalusugan. Nagbibigay ito sa atin ng Carbohydrates tulad ng kanin, Protina, Calories, Fat, Potassium, Dietary Carbs, at marami pang iba.

   Mabibili ang Baked Macaroni sa maraming sikat na restaurant dito sa atin. Kilala din ang pastang ito sa buong sulok ng mundo. Kaya't ano pa nga bang hinihintay mo? Magpapahuli ka ba? Halina't kumain tayo ng Baked Macaroni! Masarap na, healthy pa. Talaga namang yummy!



by: Angel Shae C. Jose

15 comments:

  1. isa rin ito sa aking mga paboritO! yummy talaga!!

    ReplyDelete
  2. Kahit anong may cheese, paborito ko. :) Mahusay! Napakasarap niyan. ♥

    ReplyDelete
  3. Wow naman! Nakakagutom! Super saraaaap. :)

    ReplyDelete
  4. nice angel shae hahaha onga masarap yan lalo na pag cheesy. parang kayo ni ano.haha joke.:D

    ReplyDelete
  5. oo masarap yan pag my garlic bread . favorite ko garlic bread . two thumbs up

    ReplyDelete
  6. apir tayo diyan sis! sarap talaga yan :D nice choice! :DDD

    ReplyDelete
  7. napakasarap talaga nito lalo na kapag maraming cheese :)

    ReplyDelete
  8. saraaaaap!!! kinain namin toh last friday nung nagpraktis kami. i know the feeling haha

    ReplyDelete
  9. Nakakatakam talaga ang baked macaroni. Samahan pa ng panulak tulad ng iced tea. :D

    ReplyDelete
  10. hindi pa ako nakatitikim bagama't gusto ko itong kainin dati pag nasa pasta resto ako.. :)
    -ghie

    ReplyDelete
  11. ngayon lang ako nakalog in ;)) naalala ko yung password ko. lahat ng posts kinocommentan ko na :))



    BAKED MAAAAAAAAAACC!! hungry na mee :|

    ReplyDelete