Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig kumain ng masasarap na pagkain lalo na kapag ito ay lutong pinoy. Madami din ang mahilig magluto at gumawa ng panibagong putahe na makaka-akit sa ating mga panlasa at kakaibigan ng lahat. Isa na ako dito sa mahilig sa lutong bahay. Kapag kumain ako nito ay talagang hindi ko uurungan. Isa sa aking paborito ay ang Giniling n gamin katulong n aubod ng sarap at malinamnam.
Ang Giniling ay madaming sangkap upang ito ay maging malasa. Ang pinaka-main na sangkap nito ay ang giniling na baboy, patatas, carrots, bell pepper, sweet peas, bawang, sibuyas, itlog, tomato sauce at panghuli magic sarap na pang dagdag sa lasa. Ang mga ito ang bumubuo sa aking paboritong pagkain na Giniling. Ito ay mabibili sa mga kalenderya o pwede din naming lutuin sa bahay. Ang Giniling ay isang mainam na putahe sapagkat taglay ang mga gulay na kailangan ng ating pangangatawan at ang gulay ay masustansya pa. Bukod pa dito, ito ay pampalakas ng ating katawan. Sa lasa pa lamang nito ay talagang mapapa-ibig ka. Ang amoy palang nito ay kaakit- akit at ng bell pepper. Sa karne naman nito, madali itong nguyain at maliit lamang, higit pa doon, ito ay malambot at sa bawat kagat mo at masasarapan ka. Isa lang ang masasabi ko, ito ay malasa, masarap at malinamnam.
Sa pagkain ko ng aking paboritong pagkain ay ipinadadama nito ang pagkalinga at pag-aalaga ng aming katulong. Ipinadadama nito sa akin na madami pang pagkain pinoy ang dapat nating tikman at kainin at higit sa lahat ipagmalaki. Sa akin maikling sanaysay nawa ay may naitulong ako sa inyo. Oh anu pang hinihintay ninyo, paluto na din kayo at tikman ang masarap na Giniling na talagang uhhhhhhhhmmmmmmmm malinamnam.
nakakatakam. :)
ReplyDeleteDumagdag pa ang aking kaalaman sa giniling, kung ano ano ang sahog nito. :) At ako ay naglaway sa aking nabasa. :P
ReplyDeleteAlam mo bang pwede ding maglagay ng quail eggs sa giniling? Nasubukan ko na at masarap naman :D
ReplyDeletebagamat ako ay kumakain ng giniling hindi naman talaga ako mahilig dito. ngunit dahil sa iyong mga sinabi tungkol dito at sa larawang iyong ginamit talaga nga namang natakam dito at gusto kong matikman yang giniling na sinasabi mo :)
ReplyDeletenapaka uhhhhhhhhmmmmmmmm malinamnam talaga! :D
ReplyDeleteNakakagiling sa sarap =)))))))
ReplyDeleteansarap nito lalo na ung may itlog :D favorite ulam ko din :D
ReplyDeleteMamantika naman ito! :P
ReplyDeletesarap isabaw sa kanin :D parang rice toppings.
ReplyDelete