Beef Stroganoff? Sosyal sa pandinig. At tunog mamahalin. Ito ang paboritokong pagkain. Pero paano nagsimula ang pagpapatakam nito sa akin? Saan ito karaniwang mabibili? Ano ang mga sangkap nito? Masustansya ba ito? Ano ang karanasang makukuha 'pag natikaman mo ito? Yan ang aking ikukwento. Ang paborito kong pagkain ay minsan ko lamang natitikman, marahil siguro ay dahil sa walang marunong magluto nito sa bahay. Sa naaalala ko, unang beses ko itong natikman sa Red Ribbon. Umorder ang aking mommy ng Beef Stroganoff samantalang ang sa akin naman ay Beef Kaldereta. Pinatikman ito sa akin ng aking ina at ang pinagtapusan ay nagpalit kami ng pagkain. Dahil sa ako'y bata pa noon, hindi ko na maalala ang pangalan ng masarap na pagkaing ito. Paglipas ng ilang taon, muli ko itong natikman sa isang pagtitipon at napakarami kong nakain. Hindi ko pa rin alam ang itatawag ko sa masarap na putaheng ito. Ang naaalala ko ay may "beef" ito sa unahan ng kanyang pangalan. Ang buong akala ko ay Beef Astraganoff ang pangalan nito dahil sa iyon ang nabasa ko sa menu ng Red Ribbon. hanggang sa kinailangan kong magsearch ng larawan ng aking paboritong pagkain. At doon ko nahanap ang tunay na pangalan nito. Beef Stroganoff pala. Sa wakas! Nakilala ko na rin ang pagkaing matagal ko nang hinahanap at nakita ko pa ang mgalarawan nito. Ako tuloy ay nagutom ng husto at natakam para sa paborito kong pagkain. Ito pala ay isang Russian dish at ang pangalan nito ay nagmula kay Countel Provel Stroganov. Salamat sa iyo, nagkaroon ako ng paboritong pagkain.
Sa tulong ng internet, nahanap ko ang mga sangkap ng aking paboritong pagkain at kung paano ito lutuin. Ang Beef Stroganoff pala ay binubuo at pinapasarap ng butter, kabute o mushroom, chopped shallots na maaaring palitan ng onion, sirloin or tenderloin, asin, paminta, nutmeg, tuyong tarragon at sour cream. Mahirap hanapin ang mga sangkap nito at hindi ko alam kung saan nabibili ang iba kaya naman mukang imposibleng lutuin ito sa bahay. Sa tingin ko, sa mga kainan tulad ng Aristocrat ito matatagpuan. Dahil hindi ko na ulit ito nakita sa Red Ribbon eh. Ang Beef Stroganoff ay maraming taglay na calories pero marami rin naman bitamina ang makukuha mula sa pagkain nito.
Sa tuwing kakain ako ng Beef Stroganoff, nakakalimutan kong ako'y nagdadiet. Napakasrap at napakalinamnam nito lalo na ang mukang gravy nitong sabaw. Masarap itong iulam sa kanin.Kaya naman napaparami ang kain ko ng kanin sa tuwing may ganitong putahe sa isang a party. Talagang gustung gusto ko ito. Sana'y may makilala akong marunong magluto nito. Naglalaway at natatakam ako sa tuwing naaalala ko ang masarap nitong lasa.
Haaaay. Sanay matikman ko itong muli. O kaya'y matutunan kung paano ito lutuin upang maibahagi ko sa iba ang ibang klaseng karanasan sa pagkain ng paboritp kong Beef Stroganoff. :)
by: GLYZA VANETH BISCOCHO
by: GLYZA VANETH BISCOCHO
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletewow!! sarap naman nyan.. kakaktakam. gsto ko mlamn kung pano lutuin yan.. :)))
ReplyDeleteang beef straganoff ay nalaman ko lang din noong ako'y 4th year highschool.. isa yan sa mga hinanda namin na ulam nung Christmas party, napakasarap nga ng pagkaing yan.:) diba isa rin yan sa ulam natin nung sa food sanitation tour... halos pumutok na yung tiyan ko sa sobrang busog,napadami kasi yong kinain ko, sa sobrang sarap.. hehe, gusto ko narin makatikim muli ng beef straganoff..kaya samahan mo ako!
ReplyDeleteIsa to sa mga paborito kong putahe noon maging ngayon, nakakapanglaway. :P Nice blog. :)
ReplyDeleteBAKIT ENGLISH? o_o
ReplyDeletepwede ba english?
anyway. mukhang masarap ang potahe na yan.
sana matikman ko rin. :)
wow!!! nakita ko pa lamang ang larawan sa paborito mong pagkain eh naglaway na ako!!! i want to taste it too!!!! (:P~) naglalaway na smiley yan ang itsura ko nang makita ko iyan at nang mabasa ko ang blog mo ahaha :P~
ReplyDeleteWOW! Mukhang napaka sarap naman neto. Gusto ko makatikim niyan! :)
ReplyDeleteDi masarap yan. Mas masarap ka pa magmahal. ;)
ReplyDeleteHahaha nakakatawa naman si Calvin:))) BTW. mukha ngang masarap yan. Kumain nako pero nung nakita ko yung picture, nakakatakam. SERIOUSLY!!
ReplyDeleteAccount ni ate gamit ko ;D
Hindi pala accout ni ate.. Accout ko yan ;D
ReplyDeleteAi baka may translator to, o something. hehe. google translator?
ReplyDeleteayan ok na. amp na google translator yan.
ReplyDeleteAi talagaaaa. sabi ko maayos na comment diba??? Ikaw talaga.
ReplyDeleteMaayos naman yun ha. Ayan buti ok na. :)
ReplyDeletePag may mushroom talaga napakasarap ee! :) Muka ngang masarap to. :)
ReplyDeleteglyza patikimin mo ako next time :)
ReplyDeleteWow, gusto ko tikman ito :D
ReplyDeleteNakakatakam! Naalala ko yung sanitation tour. :) Nagutom tuloy ako. Turuan kita magluto niyan :P
ReplyDeleteAng sarap naman neto. Nakakagutom! :) =P~
ReplyDeletenamiss ko ung tita ko. masarap ung luto niang ganyan :))
ReplyDeletePAGLUTO NYO KO NITOOOOO! please. sa kung sinong may alam. hahaha. :))
ReplyDeletemukhang sobrang sarap glyza! :))
ReplyDeleteawww. masarap ito. swear! thanks for posting this.
ReplyDeletegusto ko nito :D parang beef with mushroom :D
ReplyDeleteHindi ko pa to alam gusto ko matikman!
ReplyDeleteStroganoff! saruuuuuuuuuhp sir!!
ReplyDelete