Saturday, November 20, 2010

BAKED MAC.. ako'y sabayan ninyo sa sayang dulot nito

                            
                                                               BAKED MACARONi

Sa dinami-dami nga naman ng mga masasarap na pagkain. Masasabi ko nga talagang mahirap mamili ng mga paborito. nandiyan ang masasarap na ulam, na niluto sa iba't-ibang putahe at sinahugan ng masasarap na sangkap, na talaga namang hindi kasasawaan ng ilan sa atin. Naririto rin naman ang mga espesyal na panghimagas, na tinimpla sa kanya-kanyang katamisan at kanya-kanyang paraan at masasabi ko ring ito'y hinding-hindi nwawala saan mang dako, mapa-okasyon man o mapa-ordinaryong araw. Pero sa dinami-dami ng mga naglipanang masasarap na pagkain sa paligid , eh isa lang talaga ang gusto ko. Ito ay ang kilalang Baked Macaroni ng karamihan o in short Baked mac ,ika nga ni mommy.

Unang tikim ko pa lang sa pagkaing ito ay talaga namang hindi ko na ito tinigilan, hangga't meron ay sige pa rin sa kain. Hinding-hindi ito nawawala sa twing may okasyon, mapa-birthday man, pasko o bagong taon. Paano ba naman ay madali lamang mahanap ang mga espesyal na sangkap nito. Kapag meron ka nang beef cube, butter, garlic, onion, ground meats, cooked macaroni, nestle cream or white sauce, pasta sauce, tomato paste, red o green pepper, mushroom, black pepper o kahit oyster sauce at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang grated cheese, oh diba! meron ka nang baked mac.. syempre pag sinabing "baked" malamang kailangang isalang sa oven para maluto :)

Kahit nasa bahay ka lang ay maari mo na itong gawin, pero kung gusto mo ng ibat-ibang klase ng baked mac na may ibat-iba ring sangkap, naririyan naman ang greenwich... kung saan makakabili ka nito dahil ang greenwich ay kilala sa mga masasarap at ibat-ibang luto ng pasta at pizzas. Ang sarap hindi ba't ? malamang habang binabasa mo ito ay natatakam ka na riyan . :)

Pagdating sa lasa nariyan ang magkahalong tamis at alat, sa unang tikim nito ay mababanaag mo agad ang dulot na magkahalong tamis at alat, pero kung minsan ay may kaunting asim dahil sa tomato paste o sa pasta sauce na ginamit. Ngunit narito naman ang lasang paborito ng lahat na dulot ng cheese.. para na rin sa mga bata, kung saan gugustuhin mong paulit-ulitin ang pagkain dito.

Ayon sa mga eksperto ang macaroni at cheese daw ay may malaking tulong pagdating sa ating kalusugan dahil ang mga ito ay may dalang fatty acid kung saan nakakatulong upang mabawasan ang cholesterol sa pagpapasigla ng ating mga arteries. Ang baked mac naman ay sinangkapan din ng ilang mga small vegetables upang makatulong sa ating kalususgan pagdating sa lakas at tamang pag-iisip. Kaya mahalaga ring hindi nawawala ang mga gulay sa pagkain. 

Para sa akin, ang Baked mac ay isa sa saya ng buhay ko. Bukod sa nakakawala ito ng problema ay nagbibigay din ito na aliw sa akin sa twing matitikman ko ito. Para bagang walang katapusang saya hanggang sa maubos ko ito. Lalo na pagkasama mong kumakain nito ang mga taong nagbibigay saya sayo, ang mga taong mahahalaga sayo , at ang dahilan kung bakit ka nabubuhay :D
Ang masasabi ko lang... tayo ay magpasalamat sa mga pagkaing biyaya niya, masarap man o hindi , paborito man o hindi, mamahalin man o mumurahin ...maghinay hinay tayo sa ating mga kinakain dahil ang sobra ay nakakasama, ang konti ay nakakasama rin..kaya dapat pantay lang .


Christine Nikka P. Abinoja -- cthm1t3

19 comments:

  1. wow. baked mac. kahanay ng paborito ko ring lasagna. naengganyo akong kumain nito pagkabasa ko ng blog mo. :)

    ReplyDelete
  2. Favorite ko din to! Totoo ngan masustansya talaga ito. :)Namimiss ko na tuloy kumain nito.

    ReplyDelete
  3. Wow sarap naman ng pagkain na yan, nakakagutom tuloy :D

    ReplyDelete
  4. Gusto ko tuloy ng Baked Mac! Nagutom ako lalo dito. =P~

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. dati ay hindi ako nakain ng Baked mac. pero masarap pala talaga ang baked mac! nice choice!

    ReplyDelete
  7. ito lagi ang kikain namin nila iana yung 1st week ng klase namiss ko tuloy :)

    ReplyDelete
  8. yum..sarap..talagang nakakatakam lalo na yung cheese:)

    ReplyDelete
  9. i used to hate this kind of food but after i tried to taste it i started to like it na... i even sometimes prefer this more than spaghetti in a birthday party

    ReplyDelete
  10. Wow. Paborito ko rin to! :) Masarap yan pag super dameng cheese. :)

    ReplyDelete
  11. baked mac. masarap talaga yan parang lasagna ko. ang sarap talaga ng makeso lalong lalo na yung may mga pasta-like. :)

    ReplyDelete
  12. baked mac! naku napakasarap, nakakamiss tuloy. nice work.. :D

    ReplyDelete
  13. Tama. Isa rin ito sa mga pinakapaborito kong pagkain. At talaga namang napakasarap ng pagkaing ito. Sana nga ay matutunan ko ang paggawa nito sa hinaharap :)

    ReplyDelete
  14. bake mac.. >.<
    sana ala na lang cheese

    ReplyDelete
  15. sasabayan kita sa sayang dulot nyan :D napakasarap lalo na pag cheesy :D

    ReplyDelete
  16. Wee. Sarap talaga ng mga pasta! Yumm yumm! =P~

    ReplyDelete
  17. hi... pwedeng manghingi nang recipe?kasi ihanda ko sana sa birthday ko this saturday.thanks..

    ReplyDelete