Saturday, November 20, 2010

Jolly Spaghetti :D


          Malamang ikatataka ninyo kung bakit sa dinami-rami ng pagkain sa mundo --- Italian cuisine, French delicacies, Korean pasta --- ay napili ko ang isang karaniwan at tatak-Pinoy na pagkain. Ano nga ba ang mahikang taglay nito at ito ay aking napusuan?

Naaalala ko nung ako ay maliit at musmos pa lamang ay tagisan kong pinagpupumilit sa aking ina na ako'y ibili ng Jolly Spaghetti. Hinding-hindi pa nga ako magkakamali na ang tawag ko pa nuon sa naturang pagkain ay 'ispategi'. Kaya sa tuwing binabanggit ko iyon, nangingisi ang mga nakadidinig - at wala man lang nagsabi sa akin na mali pala ako. Teka, anu bang meron sa  Jolly Spaghetti na ito? Ang pagkain ay na ito ay binubuo ng pasta na pinakuluan hanggang sa lumambot, sauce -- isang matamis at malinamnam na sauce -- giniling, hotdog at ang paborito ng lahat - keso. Kung isa kang Tomasino, sinasabi ko sa 'yo, nagkalat ang Jollibee sa paligid ng UST. Mayroong Jollibee Dapitan at Jollibee Lacson (hindi ako magugulat kung mayroon na rin itong branch sa Espana at P. Noval). Matatagpuan rin ito sa mga naglalakihang establisyimyento katulad ng SM, Trinoma at marami pang iba. Ang nasabing pagkain ay mayaman sa protina, lactose para sa keso at Vitamin B9 at Vitamin D.


Talaga namang nakakatakam ang pagkain na ito. Labis ang sayang nararamdaman ko sa tuwing pagkain ko nito, kung ako nga lang ay vivideohan, sinisigurado ko sa 'yo, ako na ang papalit na bagong commercial endorser ng Jollibee. Ikaw, anong paborito mo?

-Sebastiana Georgia J. Ignacio

17 comments:

  1. Jolly spaghetti, pambata, pang matanda at higit sa lahat, PANGMASA! nice blog. :)

    ReplyDelete
  2. namiss ko na si jollibee kasi lagi si mcdo ang pagkain ko :)

    ReplyDelete
  3. yah!! out of all the fast food chain's spaghetti out there Jollibee's is the best

    ReplyDelete
  4. hanggang ngayon yan pa din ang paborito ko sa jollibee!!! ang sarap talaga!!

    ReplyDelete
  5. Ang favorite ko lang sa Jollibee yung Jolli Hotdog. Pero masrap rin naman yan :D

    ReplyDelete
  6. Wow. Masarap yan lalo na pag may cheese burger! :-bd

    ReplyDelete
  7. Namimiss ko ang aking kabataan. aww. haha. ang sarap nga naman talaga ng jolly spaghetti :)

    ReplyDelete
  8. Naalala klo ang aking pagkabata. Haha. Ang sarap nga naman tlga ng jolly spaghetti :)

    ReplyDelete
  9. ang jolly spagetti ng jollibee ang isa sa palage kong hinahanap hanap :DDD nice choice ghie :)

    ReplyDelete
  10. nice.! alam mo ba pagkabasa ko nito ay parang gusto ko pumunta sa jollibee bigla para kumain ng jolly spaghetti..!! paborito ko to nun maliit pa ko... :)

    ReplyDelete
  11. waaw.. masarap nga yan, manamis namis, .. mas nasasarapan ako pag maraming keso..

    ReplyDelete
  12. Yan rin ang lagi kong hinahanap nung bata pa ko :)

    ReplyDelete
  13. JOLLIBEE :D HAPPY haha. sarap sarap nyan :D

    ReplyDelete
  14. Wee. Sarap talaga ng mga pasta! Yumm yumm! =P~

    ReplyDelete
  15. wow! paborito ko din to. sana nga lang alang cheese hhohohoho

    ReplyDelete