Sunday, November 28, 2010

Zagu Sa P.Noval at Sa Puso Ko

(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9fCALk6CjFdXELA8CIK5BH7ekjEqXLlTqMNmdP3Xs2Uq5dcivCsVu5V_5q0poaXGrWIrcNcMHi3u8AMo2u0XcrKDLKkEDtyRdDIlJvwmeqN9ryrYNL7W3yialYGmxQsAds4hFUujCoy8M/s320/zagu.JPG)

Ikaw ba ay nakababad sa araw habang papunta sa USTe o di kaya habang naghahanap ng makakainan sa Carpark o sa labas? Sigurado akong uhaw na uhaw ka dahil sa tindi ng sikat ng araw na para bang sinasadyang bulagin ka at higupin ang lahat ng likido sa katawan mo sa liwanag at init na taglay nito! Para sa akin, kulang ang McFloat ng McDonald's o large iced tea sa may tindahan ng fried siomai para tanggalin ang uhaw ng akin lalamunan. Kailangan ko ng isang malamig na nakakakilig, masarap sa unang sulyap, at nakakapag dala sa langit na inumin. Ang inuming ito ay tinatawag na Zagu.

Maraming buwan ng pag eeksperimento ang ginawa sa pag hahalimbawa ng mga produkto at pag paplano bago naitatag ang pinaka unang Zagu noong Abril ng 1999. Ang Zagu ay nabuksan sa pagtulong ng isang "enterpenuer" na babae na may degree sa kursong food science galing sa University of British Columbia sa Vancouver, Canada. Hangang sa panahon ngayon, Zagu ay nakagawa mahigit sa 40 milyon na pearl at sa mga ibat ibang branches nito nationwide na umaabot ng 290 outlets. Ang Zagu din ay pinangaralan ng National Consumer Quality Awards at ang Parangal ng Bayan bilang People's Choice Awards at iba pang pangaral sa ibat ibang bansa.

Sa paglipas ng mga taon ang Zagu ay tinangkilik ng maraming Pinoy. Dahil ng pagkakaiba nito kaysa sa normal na inumin at dahil narin sa pagkakaroon nito ng maraming "flavours" na dahilan upang manatiling interesado ang bawat Pilipino. Ang lasa at flavour nito ay ang susi sa pagulit ulit at pabalikbalik na pag bili ng mga pinoy dito. Upang maabot ng mga mamimili ang mataas na kalidad ng inumin. Ang Zagu ay nagbibigay ng "fresh" at kalidad na inumin na nagpapakita sa mamimili ng "confidence" habang ginagawa ito sa tapat ng kanilang mga mata.

Ang Zagu ay gawa sa mga simpleng sangkap na ika'y magtataka kung papaano nila nagagawa ang sarap na hinahanap mo sa bawat cup ng Zagu. Gawa ito sa yelo, mga pearl o sago, at powder na nagbibigay ng lasa ng "flavour" ng inyong inorder. Karamihan ng mga gantong inumin ay napakaraming asukal pero ang Zagu ay iba dahil ito ay maroong mababang calorie content! Kaya sinong nagsabi na ang mga inuming mayroong "tea extract" at l-carnitine lang ang hindi nakakapagdagdag sa timbang? Alam mo ba na ang Zagu rin ay isang magandang pinagkukunan ng calcium? Ito'y makakapabgiay ng hanggang 160% ng calcuim na kakailanganin natin sa araw araw. Dahil dito, ang ating mga buto at ngipin ay titibay, tutulong sa blood clotting at sa heart palpitation! Akalain mo iyon? Sa isang order ng Zagu ay ganoon karami ang maaring ibigay para sa ating katawan!

Sa pagtatapos, ang Zagu ay sikat sa ating bansa sapagkat ito ay isang malamig na inumin na nagpapalamig sa ating katawan dahil ang Pilipinas ay isang tropical na bansa na para bang tag-init parati kahit tag-ulan na. At dahil sa matatamis at malambot nitong peral o sago ng kada inumin na kanilang ginagawa, ito ay nagugustuhan ng mga bata at ng mga matatanda sa ating bansa. So ano pa hinintay niyo? Sumubok na kayo ng Zagu para sa isang kakaibang lamig at sarap na inyong madadarama! Bili na!


By: Kirstin Montales

14 comments:

  1. Sarap nito! natikman ko kahapon lang :D

    ReplyDelete
  2. yum..ZAGU!!creme brulee favorite mo diba??

    ReplyDelete
  3. wow zaguuuu!! hahaha. i loveeee. :x

    ReplyDelete
  4. Tamang tama! Para sa init na dala ng araw na tila ba sa UST lamang nakatutok. :P

    ReplyDelete
  5. wooh!! di ito nakakasawa.. nakakapawi ng uhaw.. :)

    ReplyDelete
  6. isang kaakitakit at magandang pagtala tungkol sa Zagu na naging dahilan upang mahalin ang Zagu sa p. noval.

    ReplyDelete
  7. wow sarap naman .. gusto ko yung melon flavor nito :)) nice choice KM :D

    ReplyDelete
  8. hahahahaha,, zagu!!, masarap yan, pang-palamig ng ulo ko, hehehe,.. palibre naman, :)

    ReplyDelete
  9. ZAGUUUU! I remember the both of us wanting zagu so bad. :D And WOW! MAY CALCIUM PALA YAN? :)))

    ReplyDelete
  10. haha favorite ko rin yang inumin lalo na ung mangga at maraming pearls :D

    ReplyDelete
  11. Zagu ka a!! Sarap 'to pag mainit ang panahon.

    ReplyDelete
  12. Magandang pananaw tungkol sa Zagu.

    ReplyDelete