Isang malamig na klima, musika na kay saya at mga kumukutitap na bumbilya, ang siyang mga palatandaang Pasko'y sasapit na! Marahil marami sa ating mga Pilipino ay paborito ang buwan ng Disyembre, dahil ito ang panahon kung saan halos lahat ng tao'y nagdaraos ng kasiyahan at kainan. Isa lamang ito sa mga nakagawian ng mga Pilipino upang alalahanin ang Pasko, ikaw ano ang tanda ng Pasko mo?
Nakaugalian na ng mga Pilipino ang natatanging paghahanda para sa kapaskuhan. Sa aming bahay, tulong tulong pa din kaming buong pamilya sa pag-aayos ng mga dekorasyon kahit na maaari na lamang ito ipagkatiwala sa iba, sapagkat nais naming madama ang "spirit of Christmas" kung tawagin ng iba. Sa umaga naman, ang aking mama ay walang humpay sa pagpapatugtog ng mga Pamaskong kanta kaya naman tuwing gigising ako, ay bigla na lamang akong mapapangiti at naiisip ko kung Pasko na ba talaga. Ngunit agad ko ring naaalala na may kulang pa, dahil wala pa ang paborito naming panghimagas, ang "Fruit Salad". Ang panghimagas na ito ay binubuo ng iba't-ibang ingredients na sa pagdaan ng panahon ay nabigyan ko na ng mga kahulugan. Ito ay di mabubuo kung wala ang iba't-ibang prutas na para sa akin ay siyang kumakatawan sa mga suliraning aking nakaharap, sumunod ay ang all purpose cream at mga gatas na puting puti at nagpapaalala sa akin na panatilihing gawin ang tama at wastong kaugalian kahit pa napakadaming problema at sa huli ay ang buko, na siyang kumakatawan sa mga taong patuloy na pinangangalagaan ako at naniniwala sa aking kakayahan. Sa aming bersyon ng Fruit Salad, mas dinaramihan namin ang buko kaysa prutas, dahil minsa'y nakakasawa ang sobrang prutas, kaya naman ang trabaho ng buko ay pampatanggal ng aming pagkasuya. Sa aking paghahalintulad, minsa'y nakakapagod talagang isipin at ikulong ang iyong sarili sa mga problema kaya sa halip na magpakalubog sa mga ito, palibutan mo ang iyong sarili ng mga taong mapagkakatiwalaan mo at alam mong mahal mo. Paborito ko ang Fruit Salad sapagkat madami itong kahulugang nagpapaalala sa akin ng mga simple ngunit makahulugang aral. Ang panghimagas na aking paborito ay kailanma'y di mawawalan ng mga prutas dahil ito ang "main ingredient", tulad sa ating buhay, ang tao'y hindi mauubusan ng suliranin o problema, ngunit sa aking pagpapakahulugan tulad ng sa buko, maaari nating palibutan at balutin ang ating mundo ng mga taong tutulong sa atin at maniniwala sa kung ano ang kaya nating gawin.
Higit sa lahat, ang isang recipe ay maaaring dagdagan o bawasan dahil ang lahat ng kalalabasan nito ay nakasalalay lamang sa taong nagluluto o naghahanda ng pagkaing ito. Samakatuwid, ang lahat ay nasa iyong balikat lamang, ikaw ang siyang gumagawa ng buhay mo kaya't piliin mo ang makapagpapasaya sa iyo at manatili kang posotibo! Ang Fruit Salad ang nagpapaalala sa akin ng mga bagay na ito at siyang palatandaan ng aking Pasko. Ikaw ano ang tanda ng iyong Pasko?
- Ma. Iana Kariz I. Arriesgado -
1T3
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteYummy!!!!! =)))))
ReplyDeletewow fruit salad:) dami din my favorite nyan:) dami kasi iba't ibang laman:) at.. mbilis din pang gawin dba?:) nice!!:D
ReplyDeletewow peborit ko din yan! masarap sa taginit :D masustansya pa !
ReplyDeleteMALAPT NA NGA TALAGA ANG PASKO IANA :)
ReplyDeleteGrabe. Excited :D
Isa ito sa mainam na putaheng pwedeng ihanda para sa pasko. Masarap na, mura pang gawin. :)
ReplyDeletehmmmm sarap nyan gusto ko ung makrema :D
ReplyDeleteito ang hinahanap ko kapag may okasyon! ! one of my favorites! lalo na kapag malamig!
ReplyDeletecomment back - http://cthm1t3.blogspot.com/2010/11/sopas-na-malinamnam.html
want :(
ReplyDeletePatok na patok pag may mga okasyon! Saraaap na panghimagas. :)
ReplyDeleteShizzz! i miss this :|
ReplyDelete