Tuesday, November 23, 2010

KFC Double Down; Doble ang sarap, doble ang saya!

            Alam mo ba, may bago akong paboritong pagkain! Natikman mo na ba ang bagong KFC Double Down? Kung hindi pa, itong sulatin ay layuning mahikayat at gutumin ang mambabasa. Nais kong ibahagi ang dobleng sarap at dobleng saya ng bagong KFC Double Down ; Masarap. Masarap.

Masarap. Malinamnam. Malaman.
            Doble ang sarap ng KFC original recipe chicken fillet. Palooban mo ng doble sa dami ng bacon. Dagdagan mo ng dobleng lasa ng keso at mayonnaise. Ayos! May KFC Double Down ka na. Isipin mo, sa bawat kagat ay makakakuha ka ng pinagsama-samang lasa. Masarap na lasa. Habang nginunguya ng matatalas mong ngipin ang mga manok, malalasahan naman ng dila mo ang keso at mayonnaise. Idagdag mo pa diyan ang bacon. Ang bacon na malaman at hindi puno ng taba. Sa bawat kagat, hitik sa lasa ng pinaghalu-halong sarap ng sangkap. Sinong nagsabing mahirap mag-multi-tasking? Sa bawat kagat, napapagana mo ang iyong ngipin, di maawat ang dila sa pagnamnam ng sauce at siguradong mapapatirik ang iyong mata sa sarap! Ang KFC Double Down ; Malinamnam. Malinamanam.

            Hindi ba’t nakakagutom talaga? Siguradong mahuhumaling ka rin sa sarap ng KFC Double Down. Sa halagang P115 ay may inumin na ring kasama kaya’t sulit na sulit ang sarap ng iyong pagkain. Ang KFC Double Down ; Malaman. Malaman.


17 comments:

  1. nuks!... :) hehe...ndi ko pa nga lng nttikman yan..hehehe... :P

    ReplyDelete
  2. Yummy !! Imma buy this one tmrw :)

    ReplyDelete
  3. YUM!!! YUM!!! masarap yang Double Down.. :)

    ReplyDelete
  4. yummy.. di pa ako nakakatikim nyan, kasi tuwing bibili ako sa kfc, OUT OF STOCK na,, siguro kasi, maraming bumibili sa sobrang sarap,,

    ReplyDelete
  5. Mukang masarap nga! Looks like new favorite. :))) - Jeli

    ReplyDelete
  6. di ko pa toh natitikman....I want to buy!!! mukhang yummy!!! =)

    ReplyDelete
  7. Bago pa 'to ah. Nice one. Mukhang super sarap. :)

    ReplyDelete
  8. salamat sa 10 nag-komento. may grade na ako. hehe. ♥

    ReplyDelete
  9. bestikoi, kanina lang ako nakatikim nyan, kanina lang kasi di pa soldout. =))) sarap-sarap noh :>

    ReplyDelete
  10. PERO PALAGING SOLD OUT SA UST!!! Sana naman makakain na ako niyan. Kahit nagtitipid ako para sa pasko. Makakatikim din ako niyan :D

    ReplyDelete
  11. hindi pa ako nakakatikim nito dahil laging nauubos, patunay na napakasarap :) sayang lang at malas ako :| haha

    ReplyDelete
  12. Hindi ko pa ito nakikitman. Sinusubukan kong bilhin ngunit palaging wala. Tila ba'y galit saaking ang tadhana. Hindi kami para sa isa't isa.

    ReplyDelete
  13. Gusto ko din matry 'to :D samahan pa ng kanin ni mitch :))

    ReplyDelete