Noong ako ay bata pa, isang beses sa isang linggo ay pumupunta kami sa bahay ng aming lola upang makapag sama-sama at magsalu-salo sa isang hapunan. Papunta pa lang ay nanabik na ang lahat sa iba't ibang putahe na maaring nakahanda sa hapagkainan. Kaldereta, Kare-kare at marami pang iba. Ngunit ang pinaka-aabangan at pinaka paborito ng lahat ay ang Sinigang ni Lola.
Ang sinigang ni lola ay may taglay na asim na nagmumula sa katas ng sampalok, na siyang hahagod at mag-iiwan ng marka sa inyong mga lalamunan. Ang karne na siya namang napaka-lambot ay napakasarap nguyain. Ang mga gulay na sangkap nito, ay nagbibigay sustansya sa ating mga katawan kaya naman ang mga matatanda sa aming pamilya ay wiling-wili sa pagkain nito.
Napakasaya ng mga araw na iyon. Bawat higop ng sabaw ng Sinigang ni Lola ay nakapag-papaalala sa akin ng mga masasayang araw at ang pagkakatipon ng aming pamilya. Sa paglipas ng panahon at sa pagpanaw ng aking pinakamamahal na lola, ay hinding-hindi ko makakalimutan ang linamnam ng kanyang Sinigang at ang ligayang naipadama nito sa bawat isa sa aming pamilya.
- Isinulat ni: Chloe Gareth P. Gacayan
Seksyon: 1T3
Ako'y nagtatakam ngayon ng sinigang na maasim asim dahil sa iyong isinulat :D
ReplyDeletenako sinigang! sarap! lalo na pagsobrang asim ...
ReplyDeletehaha Sarap naman nyan!!! :)) nakakagutom tuloy! ^^V
ReplyDeletenagutom ako! gusto ko tuloy umuwi samin! :))
ReplyDeleteFavorite. :D :D
ReplyDeleteFavorite ko ang SINIGANG FOREVER. Miss ko na rin tuloy mommy. galeng galeng!
ReplyDeleteCouz, we both miss mommy and the SINIGANG. Hays. :(
ReplyDeletefavorite ko rin ang sinigang..lalo na yung super asim!!...
ReplyDeletesinigang! masarap na ulam yan lalo na pag weekends. :)
ReplyDeletemasarap talaga mga luto ng ating mga lola!!! the best
ReplyDeleteFavorite ko yan! Galing mo labs! :)
ReplyDeleteWAW. Pareho tayong may lolang masarap mag luto. Yez. Masarap ang maasim na sinigang!!! :)
ReplyDeletenakakagutom! :)))))
ReplyDeletebasta luto ni lola masarap :D haha nako ansarap na nga ng sinigang, mas pinasarap pa with lola's love :D
ReplyDeleteImportante saakin ang pagkain na ito dahil ito ang unang putaheng natutunan kong lutuin. :)
ReplyDeleteIsa sa pinakafamous Filipino dish. Sarap!
ReplyDeletepaborito ko itong isinigang, lalo na kung maasim-asim, heehehe
ReplyDeletesaraaaaaaaaaaap!
ReplyDelete