Sunday, November 21, 2010

MY COMFORT FOOD.

Ang Carbonara ay isang putahe na nagmula sa mga Italyano. Ito ay isang uri ng pasta na may mga sangkap na  cream of mushroom, nestle cream, fresh milk, chicken breasts, bacon, cheese, mozzarella cheese, garlic ,onion, butter, pasta, salt, pepper, at button mushrooms. Ang Carbonara ay nagmula sa salitang italyano na “Carbone” na ang ibig sabihin ay karbon. Pinaniniwalaan noon na ito ay isang italyanong pagkain na ginawa para sa mga manggagawa ng karbon o uling. Sinasabi rin na ang una at orihinal na Carbonara ay ginawa sa uling. Ayon sa mga matatanda,  ang paglalagay ng paminta bago at pagkatapos ihain ito ay sumasagisag sa kulay itim na uling. Ang pagkaing ito raw ay isang pagbibigay pugay sa mga italyanong manggagawa ng uling.

Ang putaheng ito ay napaka simple lamang lutuin. Maglagay ng pasta sa kumukulong tubig at pakuluan ito sa loob ng 15 minutes. Pagkatapos ay, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil, ilagay ang manok at budburan ito ng paminta at asin upang magdagdag ng lasa sa manok. Ibuhos ang cream of mushroom at pakuluin ito sa loob ng 5 minutes. Magdagdag ng ½ na mozzarella cheese, asin at paminta. At panghuli, ibuhos ang sarsa o ang sauce sa pasta at budburan ito ng keso at ng bacon. 


Noong unang beses akong nakakita ng Carbonara, tinanong ko sa aking tita kung bakit namuti ang kanyang nilutong spaghetti ngunit sinabi niyang ito raw ay isang Carbonara.  Nag dadalawang isip ako kung titikman ko ito dahil kakaiba ito sa natural na pulang spaghetti na inihahain sa akin. Nang matikman ko ito, ako ay bumilib dahil ito ay masarap at malinamnam. Mula ng ako ay humanga sa lasa nito, sa tuwing ako ay nagugutom ay ito agad ang unang pumapasok sa isip ko. Naging paborito ko na ito at kahit araw araw pa itong ihain sa akin ay hindi ako magsasawa. Ang mga sangkap nito ang nagbigay ng napaka sarap na lasa. Ang pagkaing ito ay kakaiba sa palaging inihahain na spaghetti na may pulang sauce kaya ang makakakita nito ay siguradong magtataka at nanaising matikman ito kaagad.

Kung kakaiba naman ang hanap mo, ba’t hindi mo subukang magluto ng Carbonara at ihain ito sa iyong pamilya? Nasisiguro kong ma-eenjoy nila ang kakaiba nitong lasa. Ito ay maari ring mabili sa mga Italian restaurants at sa mga pizza parlors.  Ito ay hindi naman kamahalan ngunit kung gusto niyong makatipid ay kayo na mismo ang sumubok sa paggawa o pagluluto nito.



Ang pagkaing ito ay may sustansyang taglay dahil ito ay may gatas na tumutulong upang mapalakas at mapatibay ang ating mga buto. Naging tradisyon na rin ang paghahain ng mga pagkaing may pansit dahil pinaniniwalaan na ito ay  nagpapahaba ng buhay dahil sa pahabang hugis nito. Maaring ternohan ang Carbonara ng pizza o ng garlic bread upang lalong maging masarap at nakakabusog. Sulit ang bawat kagat sa pagkaing iyong ihahain kung kasama mo ang iyong mga kaibigan, pamilya at mga minamahal sa buhay. Sana’y  mabusog ang bawat isa sa putaheng ito at sana’y makapagbigay rin ng sarap at saya sa kanilang mga buhay.




14 comments:

  1. wow carbonara masustansya na e masarap pa :)

    ReplyDelete
  2. hala isa na namang italian food. the best din ito! lalong-lalo na ang cheese na nagpapalasa dito. katakam. :)

    ReplyDelete
  3. naku! malinamnam, namiss ko tuloy kumain ng carbonara. nice work! :D

    ReplyDelete
  4. CARBONARA O FETTUCCINE. THE BEST YAN!!!

    ReplyDelete
  5. oh my. hahaha. carbonara. one of my favorite pastas. nice blog. :)

    ReplyDelete
  6. waw!, isa rin yan sa mga paborito kong pagkain. masarap nga yan, kaso pag napadami yung pagakain mu, nkakasawa na, kaya kunte-kunte lng, ^^

    ReplyDelete
  7. Paborito ko rin ito! >:)< - Jeli

    ReplyDelete
  8. napansin ko andaming may paborito ng carbonara :D napakasarap naman kasi :D

    ReplyDelete
  9. Marami pala saatin ang may gusto sa carbonara. Isa rin yan sa aking mga paborito. Pakiramdam ko'y bumabalik ang aking nakalipas kapag kumakain ako ng carbonara. :">

    ReplyDelete
  10. Pareho tayo sobrang depressant ko in to. :) Lets eat this on Tues. babe!

    ReplyDelete
  11. Gutom na ako :| i want this, masarap e!!!

    ReplyDelete