Kahit na nung ako ay bata pa lamang, sinanay na ako ng aking tita na kumain ng mga pagkain na hindi pang-karaniwan. Kung anu-ano ang mga pinatikim niya sa akin na pagkain, orihinal man na lutong Pinoy, o mga kakaibang luto ng ibang bansa. Marami akong natikman, nagustuhan, di-nagustuhan, at mga naging paborito. Ang naging pinakapaborito ko na dito ay ang napakasarap na Gambas Al Ajillo ng Dulcinea.
Noong ako ay nasa Grade 5 pa lamang, dinala na ako ng aking tita sa Dulcinea habang kami ay nasa sa SM Manila. Iba ang una kong inorder dito, ngunit pagdating ng pagkain ng aking tita, ay parang nawala na sa isip ko ang sarili kong pagkain. Amoy pa lang nito ay nakakakuha na agad ng atensyon, at ang itsura ay talagang nakakalaway. Humingi ako sa aking tita, dahil noong nakita ko palang ay gustong gusto ko na matikman ito. Nang akin nalasahan, ay nagsimula na ang aking pagmamahal para sa Gambas.
Ang Gambas Al Ajillo ay isa sa mga pinakasikat na putahe sa Spain dahil punong-puno talaga ito ng lasa. Ang hipon ay ibinababad at niluluto sa timpla ng mantikilya, bawang, oregano at olive oil. Madali lang siya lutuin, at pagkatapos at katakam-takam kainin. Unang kagat palang ay pumuputok na sa lasa.
Makakasigurado kayo na kapag ako ang kasama niyong umalis, at tinanong niyo ako kung saan ko gusto kumain, agad agad akong sasagot ng Dulcinea, upang matikman muli ang malasap na Gambas Al Ajillo. Tikman niyo, di kayo magsisisi. :)
SALAMAT SA INYONG PAGBABASA! :>
-Kyra Porciuncula
-Kyra Porciuncula
Nako, basta hipon talaga masarap. Nakakatakam! :) - Jeli
ReplyDeletemukang masarap. pangsosyal pangalan eh. haha. nice blog! :)
ReplyDeletenalaway naman ako,, hehehe,. ang hipon ay isa sa mga paborito kong pagkain, hehe kaya siguro pag natikaman ko yan masasarapan din ako,
ReplyDeletewhew.. hipon.. too bad for me..may allergy ako... hehe anyway..nice blog.. :D
ReplyDeletesee my site too :D http://strifeofcloud.com
^^
Mukang masarap nga :> Nice one! Sana makatikim din ako nito na gawa niyo :bd Goodluck! :D
ReplyDeleteWow.napakaswerte mo naman at nagkaroon ka ng tita na nakapag bigay sayo ng masarap na buhay.
ReplyDeleteNakakatakam! parang ang sarap:D
ReplyDeleteNais ko rin itong matikman! :)
ReplyDeletesarap naman!!!!
ReplyDeletepatikim naman minsan! :DDD
ReplyDeleteNang mabasa ko ito, gusto ko na ring tikman ang gambas al aljillo at samahan ito ng paborito kong kanin.
ReplyDeleteHAHAHA Natawa ko sa comment mo Mitch :))))
ReplyDeleteparang natikman ko na to sa isang buffet. Pero hindi hipon. Fish fillet ang gamit. Pero masarap yan kapag may kasamang pasta. :)
ReplyDeleteParang hindi ko pa ito natitikman. Sana matikman ko ito as soon as possible. :)
ReplyDeletehindi ko pa natitikman pero baka ma-love at first bite din ako dito gaya mo :D
ReplyDeleteParang ang sarap lalo na pulutan. :))
ReplyDeletedi ko pa nattry to. gusto ko matikman, sarap nung picture e.
ReplyDeletemagbaon ka niyan! :))
ReplyDelete