Friday, November 26, 2010

The Best Sorbetes on Earth



      

                 Wala ng mas katakam takam pa sa isang tasa ng sorbetes, hindi ba? Ngunit ano kaya kung ito ay ilagay mo  pa sa malutong na apa, budburan ng chocolate sprinkles at buhusan ng matamis na chocolate dip na pinatitigas ng nagyeyelo sa sarap na vanilla ice cream. Nasa imahinasyon niyo na ba ang imahen ng sorbetes na tinutukoy ko? Hmmmmm…. Natitiyak kong naglalaway na kayo.

            Para sa isang simpleng dalagang tulad ko, wala ng mas sasarap pa sa Cornetto Ice Cream. Naaalala ko pa ng una kaming magkita, dinedma ko lang siya at pinagmasdan na nakahalandusay sa loob ng ice cream freezer. Ilang taon din niya akong sinuyo at ngayon nga’y hindi niya lang kinukumpleto ang araw ko, binubusog din niya ng saya ang panlasa ko. Ang Cornetto Ice Cream ay may tamang tamis at may mga flavours na pwedeng pwedeng pagpilian. Halos sa lahat ng pamilihan ay makikita ito kaya garantisadong hindi kayo mahihirapang matikman ang kasiyahan at linamnam na hatid nito. Sa ano mang pangit na araw ay may sagot na sarap ang sorbetes na ito. Damang dama ko ang gaan ng loob sa tuwing ito ay matitikman ko.

             Sa lahat ng pagkain, kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang Cornetto Ice Cream. Hindi lang dahil sa masarap at paborito ko ito, kundi dahil rin sa tuwa na dulot nito. Ewan ko ba, pero parang may mahika ang bawat pagtunaw ng sorbetes na ito sa bibig ko at ang pinaka inaabangan ko sa lahat ay ang pagkagat sa dulo ng apa na may lamang tsokolate. Sobrang sarap talaga ng life. Kasing sarap ng Cornetto Ice Cream!!!


Mary Michaela A. Tatualla
            

14 comments:

  1. tugstugstugstugs! bwahahaha... masarap ang cornetto! nice job! keep it up.. :D

    ReplyDelete
  2. ang sarap naman ... ubot kaya nino man :)))

    ReplyDelete
  3. waw, sarap,, ang ice cream para sakin ay nkakapagpalamig ng ulo ko,, kaya pag mainit ang ulo ko, pakainin nyu ako ng ice cream. hahah

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. hahaha:) mumu:D hahaha cornetoo!:) super sulit, affordable na, sarap pa:) tama2:) nice choice of food!!!

    ReplyDelete
  6. waahhwww.ang sarap talaga ng ice cream.sa tingin ko,babagay rin ito sa kanin...

    ReplyDelete
  7. sarap talaga nyan.. favorite ko rin yan ehhh....

    ReplyDelete
  8. Naaalala ko ang mga commercials nila sa tuwing binabanggit ang cornetto. Sadyang agaw pansin. Nakakatuwa.

    ReplyDelete
  9. hahaha tugstugstugs sarap niyan :D kornetokornetotantantantantananan :DDD

    ReplyDelete
  10. Tugs tugs tugs! Pwede na sa 20 php. :P

    ReplyDelete
  11. Naunahan ako ni sarah :)))





    Hanggan saan aabot ang bente mo?? abot sa kasarapan.

    ReplyDelete