Saturday, November 27, 2010

The Greatest Shawarma.




Ano ba ang Shawarma? Ito ay isang parang sanwits na may laman ng tupa(lamb), kambing, manok, pabo o karne ng baka. Ito ay popular sa Middle East, Europe, the Caucasus at sa North Africa. Ito ay kinakain kasama ng pita bread, kamatis, pipino at minsan ay meron pa itong repolyo. Dito sa Pilipinas, ang shawarma ay popular na pagkaing matatagpuan sa mga malls. Ang sikat sa mga kabataan ay ang Shawarma Rice. Parehas lang ng mga sangkap maliban lang sa tinapay, na kung saan ay papalitan ng fried rice.

Ang Shawarma ay gawa sa laman ng tupa (lamb), kambing, manok, pabo o karne ng baka; sibuyas at kamatis na nakalagay sa ibabaw ng mga pampalasa. Ang karne ay dahan-dahang niluluto sa isang tuhugan sa harap ng nagliliyab na apoy hanggang sa ito ay maluto.Kapag luto na ang karne, ito ay hinihiwa ng mahahaba't makikitid na piraso gamit ang isang malaking na kutsilyo. Ang shawarma ay binubuo sa isang pita bread na may kasamang mga gulay at palaman. Ang mga gulay na matatagpuan sa shawarma ay pipino, sibuyad, kamatis, talong, at repolyo. Ito rin ay nilalagyan ng french fries sa ibang bansa. Pagdating naman sa palaman, Hummus ang nilalagay. Ang chicken shawarma ay  iniihain kasama ng garlic mayonnaise o hot chili sauce. Ang karne ng baka ay maaaring gamitin para sa shawarma sa halip ng tupa at karne ng pabo naman ang ginagamit sa halip ng manok.

Masasabi kong shawarma ang aking pinakapabotiro sapagkat ito ay nagpapaalala saakin  sa bansang Oman. Noong bata palang ako ay paborito ko na talaga ang shawarma. THE BEST ang shawarma sa Oman. Napakasarap lalo na kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Kapag kumakain ako ng shawarma, bumabalik ang mga masasayang alaalang nangyari saakin sa Oman. Sarap balik'balikan ang nakalipas habang kumakain ng shawarma. Tila ba nakakawala ng lungkot at problema sa buhay. At napakamura pa. Sulit na sulit ang 300 bzs (halos 35 pesos).


- Karla Cristina D. Reyes

11 comments:

  1. ansarap nito :D natikman ko ung sa turk's shawarma :D mas gusto ko pag mas marami ung karne :9

    ReplyDelete
  2. tomooh! :) gusto ko din yan eh, with rice ^^ :)
    -ghie

    ReplyDelete
  3. wow! shawarma! one of my faorites! sarap tlga nito!!!!!

    ReplyDelete
  4. NAPAKASARAP!!!! Mura at sulit na sulit. :)

    ReplyDelete
  5. SANWITS! HAHAHAHA. =)) Sarap kahit mabaho. :P

    ReplyDelete
  6. hmmmmmm..masarap lalo pag shawarma rice..sarap.aww.

    ReplyDelete
  7. Shawarmaaa! Mahilig din ako sa shawarma. Lalo na sa Turk's. :D

    ReplyDelete
  8. shawarma >.<
    nais ko ding kumain nito
    makita ko pa lang ang larawan natatakam na ako

    ReplyDelete
  9. shawarma, the best! haha, paborito ko rin to, kasi masarap..

    ReplyDelete
  10. Sarap 'to! paliguan ng garlic sauce tapos kainin. Sabaw type na :))

    ReplyDelete