Saturday, November 20, 2010

Paboritong Pagkain (Sushi)


 Maraming masasarap na pagkain na naiimbento ngayon. Medyo adventurous akong tao kaya tinitikman ko lahat kahit pa yung exotic na pagkain. Ngunit ako ay may mga pamantayan sa isang dekalidad na pagkain at ilan dito ay ang presentasyon, lasa, nilalaman, kung anong epekto nito sa katawan at iba pa. Madalas kong kainin itong "Sushi roll" pag ako'y badtrip,masama ang loob o nagrerebyu. Nakakagaan ng pakiramdam dahil ako'y nakapokus sa tila unti-unting pagkatunaw nito habang kinakain at sa kakaibang lasa nito na naghahalo-halo dahil sa pinagsama-samang pagkain sa isang roll. Isa pa ay maari itong kainin kahit nasaan ka! Sabi nga ng sikat na chef ng Florida ito raw ay ang "perfect portable food" na gaya ng mansanas,saging at iba pa.
Maliban sa masarap itong kainin ay masustansya rin ito. Kung inyong napapansin ang kulay itim na nakabalot dito,iyon ay ang sun-dried seaweed na rich in protein,fiber,vitamins at trace minerals.Ibig sabihin ito'y 20 times more nutrient-dense kesa sa halamang tumutubo sa lupa at sea vegetables. Ang nilalaman naman nito ay Japanese rice na iba sa normal na kanin. Ito'y hindi lamang nagbibigay enerhiya,ito rin ay nakatutulong na labanan ang high blood pressure at kidney problems. Ang laman naman nitong isda na either Salmon o Tuna na nakakapagpanatili ng healthy cardiovascular system.Ito rin ay nakakatulong sa pag-iwas sa Cancer, Coronary Heart disease at Alzheimer's disease. May laman pang Asparagus itong Sushi na magandang source ng Glutathione.
Ang pagkain ay napakaimportante , hindi lamang dahil sa enerhiya na ibinibigay nito kung ‘di tayo rin ay nabubusog at nakakaramdam ng tiyak na kaligayahan.


---DURANO,Alleli Marie B.

17 comments:

  1. Napakainformative! nkakatakam! gusto ko tloy ng cali roll nagyon :P

    ReplyDelete
  2. mayie!!:) mhilig ka pla sa sushi:) super yum nyan~~ waaaaaaaa

    ReplyDelete
  3. hmm..sarap ng sushi!tama,importante talaga ang pagkain..

    ReplyDelete
  4. hindi pa ko nakakatikim ng pagkaing ito. pero marami nga akong kilalang may gusto nito. :)

    ReplyDelete
  5. Nakoooo. Isa pa toh sa pinakapaborito ko. :) Isang kainan lang, anjan na lahat. :)

    ReplyDelete
  6. wooooo...SUSHI!!! yum yum yum!!! :)

    ReplyDelete
  7. eto yung baon mo last time sayang bawal ako ng crabs... pero i know! masarap yan.nice choice schwester. :))

    ReplyDelete
  8. California Maki, Sashimi at Makizushi! Deym. Shpft! Sarap. ;)~~~~~

    ReplyDelete
  9. Tapos may Wasabi pa. Uhm uhm uhm. Hmmmm. :DD

    ReplyDelete
  10. ang sarap naman!may kanin!hmmmmmmmmm...saraaaaaaaaaap..nice work!

    ReplyDelete
  11. sushi is sunshine :D sarap sarap nito haha

    ReplyDelete
  12. OMG! paborito ko 'to since bata pa ako :) laging naluluge sakin ang saisaki kasi andami ko pag kumain >:)

    ReplyDelete
  13. saan may timdang itlog ng salmon?

    ReplyDelete