Sunday, November 21, 2010

amoy palang masarap na!

Chicken Curry

Ito ang pagkain gustong-gusto ko o paborito. Ito rin ang pagkaing laging nasa isip ko kapag ako’y nagugutom. Hindi ko alam kung bakit.? Siguro kasi tuwing ako’y kakain nito, nkakalimutan ko lahat ng bumabagabag sa aking isipan sa sobrang sarap. sapagkat tuwing ako’y kakain nito nakapukos ako, ninanamnam at nginunguya ko ito ng husto.  At mas napaparami ang pagkain ko nito, kapag mommy ko mismo ang nagluluto nito.

Ang pagkaing ito ay hindi lamang masarap, kundi masustansya din dahil sa carrots patatas at iba pa. Ang carrots ay isa sa mga nakakapagpagaling na gulay, mayaman din ito sa biotin,potassium,  calcium, magnesium, phosphorus, organic sodium  at mayroong trace na mineral. Ang patatas naman ay isang pagkaing nakapagpalusog na pagkain, ito rin ay nagbibigay ng magandang pagbabalik nutrition para sa calories.

Kapag ako’y kumain nito ng medyo naparami, hindi ko maiwasang hindi pumunta ng banyo, hindi ko alam kung nagkakataon lang ba, o sadyang mabigat sa tiyan  ang pagkaing  ito, kaya payo ko lang, kung kakain ka nito yung tama lang, baka bigla kang tawagin ng kalikasan.




kapag ako'y kumain ng chicken curry, kering-keri ko na ang araw ko!

        


                                                                                                                -Keren Tapalla

18 comments:

  1. Wow. Sakto yan yung ulam ko ngayon. :) Ang sarap, sobra. Very nice. :-bd

    ReplyDelete
  2. wow. akala ko sisig favorite mo. hehe. :))
    pero masarap din naman yan. :)

    ReplyDelete
  3. wow ang chicken curry.. masarap to sobra! yan tuloy natatakam na ako ngayon ...

    ReplyDelete
  4. isa rin ito sa aking mga paborito :)

    ReplyDelete
  5. akala ko sisig din favorite mo. :) magaling ako mgluto nyan kers :D

    ReplyDelete
  6. BAKIT MO AKO TINATAKAM KEREN??!?!???!?!
    Favorite ko rin yan lalo na pag lasang lasa ang curry sauce. Grabe :DD

    ReplyDelete
  7. grabe naman te.! haha gusto ko na kumain nyan... :)

    ReplyDelete
  8. extra rice :D keren patikim! hindi pa ako nakakakain nyan :|

    ReplyDelete
  9. Gustong gusto ko ang chicken curry kung ito ay napaka'anghang. Ang sarap sarap. :D

    ReplyDelete
  10. Hindi ko hilig ang Chicken Curry pero dahil sa blog na ito, parang gusto ko na masubukan ito bukas na bukas na! Haha. Pahingi nga diyang extra rice!

    ReplyDelete
  11. hahahahahaha,bakit puro extra rice??? ganun na ba ako katakaw. aha

    ReplyDelete