Thursday, November 25, 2010

Sinigang na Malinamnam

        


          Isa sa mga kinahiligang gawin ng mga pinoy ay ang pagkain. Sino nga ba ang tatanggi sa pagkain? Tuwing tayo ay nagugutom, na-iistress, nababagot, walang magawa, gustong sumaya, karaniwan sa atin ay kumakain. Maraming naidudulot na positibo sa atin ang pagkain. Maaring mabago ang buong araw ng isang taong mainit ang ulo maghapon kapag nakakain siya ng paborito niyang pagkain.



         Kung ako ang inyong tatanungin, marami akong inaasam na pagkain, subalit ang pinaka hinahanap hanap ng aking panlasa ay ang Sinigang na baboy! Lalo na ang recipe ng aking yumaong lolo, na napaka sarap, napaka asim at ginamitan ng mga natural na sangkap. May mga sangkap itong, baboy, kamatis, labanos, sitaw, kangkong, sampaloc at iba pang mga pampalasa na pag pinaghalo-halo ay nagbubunga ng kakaibang sarap! Maraming sustansya ang maaring makuha rito dahil sa mga gulay na sangkap nito. Dahil sa sarap at sustansyang aking nalalasap sa sinigang, ito ay nagsisilbing “comfort food” ko. Tuwing ako’y uuwi sa Laguna, inaasam kong Sinigang ang ulam na inihain dahil ang luto sa amin ang pinakamasarap na sinigang na aking natikman. Pagkalipas ng anim na araw na pananatili ko sa Manila, na puno ng gawain, nais kong madatnan sa aming bahay ang makakapagpawala ng aking pagod.

        Sobrang paborito ko ito, kahit isang buwan kong ulam ang sinigang, ayos na ayos lang sakin! Nakawawala ng pagod, nakapagpapasaya sa akin at higit sa lahat, nakapagpapaalala sa akin ng mga magagandang pangyayari kasama ang aking lolo. Sa dinami dami ng pagkain, sinigang ang pumukaw sa aking panlasa.


Salamat sa pagbabasa! :) 

Maria Joeana C. Naval 

15 comments:

  1. I love sinigang too! Yummeh! :->

    ReplyDelete
  2. napakamalinamnam naman ng iyong sinigang! :D

    ReplyDelete
  3. Isa eto Sa Paboritong kong Pagkain :)
    At Ang dali pa netong lutuin hahahhaa!

    ReplyDelete
  4. waw... nisigang msarap ito tuwing tag ulan hihigop ka ng sobrang asim na sabaw! the best! :))

    ReplyDelete
  5. The best tlaga ang sinigang! :)) ♥

    ReplyDelete
  6. huwaw namen! srap tlga ng sinigang lalo na kpag lutong bahay. db? db rlagpad? haha! =)

    ReplyDelete
  7. Good choice of food.Sinagang's sour taste perfectly fit the tropical heat of the Philippines. I consider this also as one of my favorites :)

    ReplyDelete
  8. masarap kumain ng sinigang.nakakabawas ng stress at nakakadagdag ng fats :D

    ReplyDelete
  9. paborito ko din ang sinigang! HAHA! chalap chalap nyan eh. :)))))))

    ReplyDelete
  10. napakasarap talaga ng sinigang :D

    ReplyDelete
  11. Importante saakin ang pagkain na ito dahil ito ang unang putaheng natutunan kong lutuin. :)

    ReplyDelete
  12. Isa sa pinakafamous Filipino dishes. :D

    ReplyDelete
  13. Sinigang! paborito ko since noong bata pa ako :))

    ReplyDelete