Baked Ziti with white sauce and Garlic Bread |
"Life is a combination of magic and pasta." - Federico Fellini
Para sa akin ay totoo nga naman na ang buhay ay kumbinasyon ng pantasya at pasta. Lubos akong nasisiyahan tuwing malalaman ko na may pasalubong na pasta ang aking magulang o mga tiyahin o kaya naman kung kakain kami sa labas, ang pasta ang unang una sa listahan. Nakakaramdam ako ng pagkakilig o pagkaexcite sa tuwing malalaman ko na pasta ang pagkain.
Kung tatanungin ako ng isa sa pinakapaborito kong pasta, ito ay ang Baked Ziti with white sauce and garlic bread. Sa totoo lang, mahilig talaga ako sa mga pasta, mapa fettucine o plain spaghetti pasta pa yan, siguradong kakainin ko yan. Noong pumunta kami sa Market Market ng Christmas vacation noong 2007, naisipan muna naming kumain ng aking tiya at tiyo bago kami mamili. Dinala nila ko sa Sbarro. Dito una kong natikman ang baked ziti. Lubhang malalasap mo talaga ang sarap at linamnam ng white sauce at ng malambot na texture ng pasta. Samahan mo pa ng garlic bread na sa amoy pa lang ay mabubusog ka na.
Tuwing aalis kami ay tinatanong nila kung saan o kung ano ang gusto naming kainin, at ako nama’y sumisigaw ng carbonaraaaa!:)) Basta pasta talaga ay hindi ko papalampasin. Tuwing kumakain kasi ako nito ay mararamdaman mong nakakabusog talaga at marami pang mga sustansyang makukuha rito tulad ng protein mula sa white sauce at carbohydrates mula sa pasta. Marami ring mga gulay na kasama rito sa pagkaing ito tulad ng celery at spinach at ang gatas na rich in calcium, isama mo na rin ang mushroom na rich in B vitamins. Kasama rin ang cheese na ubod ng sarap at gusto ng lahat. Mas nageenjoy ako sa pagkain nito kapag kasama ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko at samahan pa ng masarap na kwentuhan. :>
Salamat sa pagbasa ng aking munting pagbabahagi. Magandang Araw! :) - Jelissa Cadiogan, 1T3
hindi ko pa ito natitikaman pero pagkabasa ko ng blog mo, parang gusto ko agad magsbarro. :))
ReplyDeleteSa susunod na mapapadaan kame sa Sbarro ay eto ang aking pupuntiryahing kainin :D
ReplyDelete-Enna V.
nyam! sarap talaga! lalo na ung spread ng cheeses... at cream!
ReplyDeleteNatikman ko na rin itong dish na ito, at isa ito sa mga paborito ko rin kasabay ng white pizza :)
ReplyDeleteAng saraaaap. haha. Parang gusto ko nang mag Sbarro. Now na! :)
ReplyDeletedi pa ako nakakatikim nito pero pag nag sbarro ako ito ang oorderin ko :))
ReplyDeletesa tingin ko kailangan kong matikman ang pagkain na ito
ReplyDeletegusto ko tuloy mg sbarro! :)
ReplyDeleteIsa rion ito sa aking mga paborito :))))
ReplyDeleteNakakatakam yung picture! :D
ReplyDeletewaw, sarap naman nyan, may garlic bread pa sa gilid,..
ReplyDeleteGusto ko rin yan mula sa Sbarro :D Pareho pala nating paborito ang carbonara :)
ReplyDeletehindi ko pa to natitikman pero dahil sa blog mo at sa picture, naglalaway ako haha
ReplyDeleteWee. Sarap talaga ng mga pasta! Yumm yumm! =P~
ReplyDeleteThank you sa lahat ng mga nagcomment. Totoo ngang masarap ang past na ito. Tikman niyo rin pag pumunta kayo sa Sbarro! Hindi kayo magsisisi. :> - Jeli
ReplyDeleteMasarap 'to!!
ReplyDeletecount me in, fave food q sa sbarro BAKED ZITTI dabest,,,
ReplyDeleteas of this moment naglalaway aq,, hehe