Saturday, November 27, 2010

PASTA ALLA CARBONARA.



PASTA ALLA CARBONARA


 Sa dinami-rami ng mga pagkain sa mundo, hindi ko alam kung bakit Carbonara ang laging nakatatawag ng aking pansin. Dahil kung tutuusin ay para lamang itong spaghetti ng may puting sauce na laging inihahanda sa mga birthday party. Simple at wala namang napaka-espesyal dito. Ngunit bakit nga ba? Anong meron ito na hindi kayang tantanan ng panlasa ko? 

        Ang Carbonara ay isang pagkaing nagsimula sa Italy. Pasta, ham, mushroom, cream at cheese ang mga kailangan kung gusto mong gumawa nito. Carbohydrates at protein naman ang ilan sa mga nutrients na ibinibigay nito. Masarap na, masustansya pa. Talagang nakapanglalaway hindi ba?

        Dahil sa obssession sa Carbonara, sa katunanayan ay naging specialty ko na ito. Nagluluto ako ng naaayon sa panlasa ko. Kaya naman bawat subo dito'y heaven, ika nga. Malinamnam ito ngunit nakakaumay kung sabik ka sa sauce at pinaswimming ang pasta dito. Hindi ito mawawala sa menu ng mga restawrang pizza at pasta ang gimik. San ka man lumingon, carbonara is always present!


Gusto mong matuto kung paano magluto ng Carbonara? Panuorin mo ito. 

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! =)
by Kylie Shayne Go

17 comments:

  1. masarap nga yan! ang carbonara ay isa rin sa mga paborito kong pagkain. dapat pag kumain ka nito, kailangan ay hindi masyado marami, kc nakakaumay ito pag nasobtrahan na.

    ReplyDelete
  2. wow... carbonara din pala ikaw :)) masrap talaga yan ! nice choice sis! :)

    ReplyDelete
  3. WOW! Carbonara!! Mas masarap at masustansya yan sa spaghetti. Kung titingnan ang carbonara, simple lang kasi color white =)) pero pag kinain mo na. Yummy kaya yan. HAHA.

    ReplyDelete
  4. masarap talaga yung mga Italian recipes..:)galing naman,marunong ka magluto ng carbonara

    ReplyDelete
  5. Isa ito sa pinaka paborito kong lutuin. Masrap ang carbonara. Pwede kong ibahin yung noodles. Either penne or elbow pasta. Depende. :D

    ReplyDelete
  6. Wow babe, yan din yung blog ko eh. Favorite natin! Love it!

    ReplyDelete
  7. wow..masarap talaga ang carbonara.minsan patikimin mo naman ako ng luto mo..gusto ko yung medyo maanghang...

    ReplyDelete
  8. wao kaye.! sarap nito ah..ipagluto mo kami.!! hehe :)

    ReplyDelete
  9. Isa rin yan sa aking mga paborito. Pakiramdam ko'y bumabalik ang aking nakalipas kapag kumakain ako ng carbonara. :">

    ReplyDelete
  10. favorite ko din tong pasta :D lalo na ung gawa ng ninang ko hahaha

    ReplyDelete
  11. Wee! Pareho tayo ng peyborits Kylie! Sarap sarap talaga nitooo!

    ReplyDelete
  12. wow! dami talagang may gusto ng carbonara! pati ako. hahaha.. nice work keep it up~!

    ReplyDelete
  13. Ang sarap. Basta pasta ang sarap. -Shae

    ReplyDelete
  14. CARBOOOOOOOONARAAAA xD NAKAKAGUTOM!! :|

    ReplyDelete