Tuesday, November 23, 2010

Pesto Pasta: Luto ni Ama, Paborito na Aking Dila!


Sa halos labing pitong taong pamumuhay ko sa mundo, ako ay labis na naligayahan. Maraming bagay sa buhay ko ang nagdulot ng kasiyahan sa akin. Ang aking pamilya, mga kaibigan at mga biyayang aking natatanggap sa araw-araw. Halimbawa nito ay ang mga paborito kong pagkain na siyang nagpapagaan ng loob ko sa mga oras na nahihirapan ako. Kahit sa ilang saglit lamang na kainin ko ito ay talaga namang sumasaya ako.

Bata pa ako ng una kong matikman ang pagkaing ito na talaga namang tumatak sa aking panlasa. Maraming ayaw sa pagkaing ito ngunit wala akong pakialam. Hindi ko alam kung bakit ko ito gusto, ang alam ko lang ay paborito ko ito at masaya ako sa tuwing kinakain ko ito. Ang pagkaing ito ay tinatawag na Pesto Pasta. Simple lamang ang putaheng ito. Sariwang basil leaves, garlic walnuts at Parmesan cheese lamang ang mga pangunahing sangkap ngunit maaari mo itong pasiglahain pa sa pamamagitan ng paglalagay ng hotdog na isa rin sa mga pinaka paborito kong pagkain, ham o pepperoni, tuna, chicken kamatis at marami pang iba na hiniwa lamang ng maninipis. Isa sa mga kainan na masarap magluto ng putaheng ito ay ang Don Henrico’s na nagbebenta nito sa halaga lamang na 220 piso. Maraming mga kainan na ang nasubukan ko pagdating sa putaheng ito ngunit iba pa rin ang lasang nakatatak sa dila ko. Walang halong pambobola ngunit ang luto talaga ng aking ama ang pinaka gusto ko. Siya ang nagluto ng unang Pesto Pastang natikman ko at mula noon ay naging paborito ko na ito. Napakalinamnam nito at talaga namang napaparami ang kain ko kapag ito ang nakahain sa harap ko ngunit panatag ako na ayos lang kahit marami akong kaiinin dahil napag-alaman ko na tumutulong ito para maiwasan ang high blood pressure at mga sintomas ng peptic ulcers, colitis at asthma.

Aminado ako na madali akong naaapektuhan ng mga bagay na balakid sa aking ninanais at palagi na lamang sa pagkain ko naibubuhos ang inis ko sa mga ito. Kaya naman kapag naiirita na ako sa mga pangyayari sa buhay ko ay kain lang ako ng kain. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan ang paborito kong Pesto Pasta upang pasiglahin ako. Nawala na ang inis ko, busog pa ako!

Maraming salamat sa pagbabasa! 
Maria Pamela D. Lopez, CTHM-1T3

22 comments:

  1. wow .. mukhang masarap kahet di ko alam . mukha lang syang carbonara :DDD nice choice:)

    ReplyDelete
  2. Kahit simple lang tong dish na toh, super sarap. nice :)

    ReplyDelete
  3. wao.!paborito kuh poh ito ah lalo na poh yung luto ni .... mu poh :D

    ReplyDelete
  4. Ferric: Love it!! ^_^

    ReplyDelete
  5. nakakagutom naman.. penge naman :D

    ReplyDelete
  6. Napakasarap! Kailangan kong matikmam yan! :D

    ReplyDelete
  7. Ako yun nagcomment gamit 1t3 :)

    ReplyDelete
  8. Isa rin ito sa aking paborito. Napakasarap nga nito! :) - Jeli

    ReplyDelete
  9. wow..kahit hindi ko talaga ito gusto, parang gusto kong bigyan ng isa pang pagkakataon ang aking sariling kumain nito..saraaaaaaaaaaap.

    ReplyDelete
  10. wooo!!! i really really love that pesto!! dati ayaw ko amoy niyan pero ngayon mahilig na ako!! dala ka naman niyan for the whole class!! para masaya :)

    ReplyDelete
  11. npakaswerte mo at mukang napakasarap ng luto niyang ito. :0 nais ko rin matikman :D

    ReplyDelete
  12. nice! this blog alone is a grade A persuasive essay! good job pam!

    p.s. = send me 2 servings of those if you don't mind.. ;)

    ReplyDelete
  13. napakasarap ng pesto!!! simple pa itong lutuin!!! favorite ko din yan!!!

    ReplyDelete
  14. wow! sarap nga nito! nice choice!

    ReplyDelete
  15. wow ang sarap..galing siguro magluto ng daddy mo.! :)

    ReplyDelete
  16. hindi pa ako nakakatikim ng pesto dahil puro ako carbonara, baked mac, mac and cheese, lasagna at spaghetti. dahil masarap magluto ng pesto ang tatay mo gusto ko matikman. hahaha

    ReplyDelete
  17. Isa rin ito sa aking mga paborito. Nakakatakam. :)

    ReplyDelete
  18. Gusto ko din to! Aside fr. Carbonara. :D

    ReplyDelete