Saturday, November 20, 2010

SPECIAL MAKI SOUP



Noong bata pa ako lagi ako nagtatago pag oras na ng kainan, pero pag alam ko na nagluto ang aking ama 7 o'clock pa lang nasa hapagkainan na ako sa kadahilanang minsan lang magluto ang aking ama. Ang isa sa paborito kong luto niya ay ang maki soup. Pag nahain na ito ay halos ayoko na umalis sa aking kinauupuan, pero marami akong kaagawan sa bahay kaya pabilisan kumain. walang reserve-reserve kasi pati yun titirahin namin.


"Ang sikretong sangkap nito ay sekreto" iyan lagi ang sagot ng papa ko pag tinatanong ko kung paano iluto. Salamat sa aking magaling na nanay sinabi niya sakin. Mayroon itong baka, itlog, tubig bawang,sibuyas, dahon ng sibuyas, at ang sikretong sangkap na gawgaw. Ang gawgaw ang nagpapalapot ng sabaw nito. Dahil roon ito ay tinatawag ding sticky soup. Lalong sumasarap ito pag nilalagyan ng black vinegar. Bawat subo ay ihahatid ka sa langit at lalasapin mo ang sarap. Ito ay rich in protein at bitamina A at C. 

Madali lamang ito lutuin. Igisa at bawang at sibuyas sa kaunting mantika. lagyan ng tubig, hintayin hanggang kumulo. Sa liempo ang gagawin ay hiwain sa maliliit na bahagi at lagyan ng kaunting gawgaw tapos haluin ng mabuti. Ilagay sa may pinakuluan, ang paglagay ay dapat unti unti at dapat hiwa-hiwalay dahil ito ay magdidikit-dikit. Pag ito ay luto na ilagay sa isang mangkok at iserve. Maari din itong lagyan ng black vinegar. Ganyan lang lutuin ang aking favorite food madali lang kaya kayang kaya ko lutuin. Noong una kong inatry lutuin palpak ako hindi ko kasi hiwalay hiwalay yung liempo.

ANG SARAP KAYA! TRY MO! :)
salamat sa pagbabasa please comment!.

-Sharmaine Jane Y. Chua

14 comments:

  1. di ko pa natitikam ito pero sana'y ipatikim mo rin sa akin. haha.

    ReplyDelete
  2. mukhang masarap sa tag-ulan. pag mainit yung sabaw :D

    ReplyDelete
  3. waa, i love maki soup din!:) sarap!

    ReplyDelete
  4. i think this food tastes good! so i want to try it :)

    ReplyDelete
  5. di ko pa natitikaman 'to. patikim mo naman sakin. :)

    ReplyDelete
  6. dhen>

    haha naman.. moments with father :D

    ReplyDelete
  7. mukhang masarap nga, ittry ko :D haha

    ReplyDelete
  8. Favorite ko din yan, dati nong nasa tondo pa kami nkatira prati kami kumakain nyan sa ongpin, try ko din mgluto nyan sa bahay. Salamat sa pgshare mo.

    ReplyDelete