Saturday, November 20, 2010

Yakiniku 焼き肉 .. :)

Sino ba naman sa atin ang hindi mahuhumaling sa pagkain? Kahit anong uri pa ng pagkain yan, kakaini't kakainin parin natin yan. Sa tuwing uuwi ako sa probinsya at pupuntahan namin ang aking mga pinsan, lagi kaming nagsasalo salo at naghahanda ng home-made Yakiniku. Simple lamang ito gawin at tiyak na magugustuhan nyo.

Ano nga ba ang Yakiniku? Ito ay isang pagkain o dish na sinasangkapan ng inihaw na karne ng baka o baboy. Ito din ay pwedeng lagyan ng repolyo at iba pang gulay. Masarap din itong haluan ng kanin at softdrinks. Pero kung gusto nyong namnamin ang sarap, mas masarap itong papakin. Ang sauce naman nito ay binubuo ng marinade,grilling sace at pangdip. Medyo maanghang ito kaya huling huli ang sarap nito sa ating mga dila. Pwede mo itong bilhin o gawin na lamang sa murang halaga. Kapag ipinagsama mong kainin ang inihaw na karne na nakabalot sa inihaw na repolyo at isinawsaw mo ito sa sauce, tiyak na gugustuhin mong kainin ito ng paulit ulit. At alam nyo ba na ang All Japan Yakiniku Association ay nagtalaga ng official "Yakiniku Day" o yakiniku no hi tuwing Agosto 29. Ito din ang madalas kainin ng mga Hapones bukod sa Ramen.
 
Pagkaing bihira lamang matikman sa Pilipinas ay ubod ng sarap. Kung pwede lamang ay araw-araw ko itong kainin ngunit lahat ng sobra ay masama sa atin. Sa lahat ng hindi pa ito natitikman, siguraduhing tikman ito, tiyak na hindi nyo ito malilimutan.



- Yuei Hanah C. Murillo
1t3

15 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. HINDI AKO KUMAKAIN NG MAANGHANG!! pero mukang masarap :)) ok to aah gawa mo ko minsan!!! haha

    ReplyDelete
  3. oo. masarap talaga yan. naalala ko pa noong kumain kami nyan. tawanan at bonding sa sarap ng pagkain. haha

    ReplyDelete
  4. msarap ang maanghang mas masarap kung bibigyan mo ako

    ReplyDelete
  5. yakinuku nakakatakam!!!!! Ano ba yan! Maari bang isama mo ako sa susunod mong pag-uwi upang makatikim nito?

    ReplyDelete
  6. Interesting name. Gusto ko matikman yan :)

    ~comment back on my post. Kaldereta. Thanks! :)

    ReplyDelete
  7. Masarap kumain ng maanghang, madami akong nakakain kapag spicy. It's exciting to taste foreign foods para hindi mag-sawa sa local dishes. I would really like to taste it lalo na kapag ikaw ang gagawa.

    ReplyDelete
  8. ohh... yakiniku!!:) thats love!!:) eat all u can yakiniku!!:D

    ReplyDelete
  9. masarap ata ito, ngunit hindi ako kumakain ng maaanghang, sensitive ang dila ko hehe

    ReplyDelete
  10. Litrato palang ay nakakagutom na. Gusto kong matikman ang pagkain na ito as soon as possible. :)

    ReplyDelete
  11. Aww an kaya lasa nito I never tried e. :D

    ReplyDelete
  12. Masarap 'to!! last time i ate this, nag eat all you can kami e :D

    ReplyDelete